09/02/2026
Sexbomb Concert Rawnd 5 💣💃
Pumunta lang para manood, umuwi na may core memory 🥲
This concert healed something in my younger self.
Naalala ko dati, nakikipag showdown kami ng mga kaibigan ko kapag may humahamon:
sa Bougainvilla Street, sa Hyacinth, sa Daisy 🤣
Tumbling, bending, worm, choreo, giling, harlem, lahat na! nagkakadena pa kami ng bestfriend kong si Josel (shoutout sayo beb! 🫶)
Grabe, bumalik talaga ang childhood ko 🤣
Wala kaming cellphone, iPad, o computer noon, pero sobrang saya ng childhood namin (halata naman sa balat ko 😆).
Parang isang gabi lang, bumalik ang younger years ko 😍😭 At yes, pinag-effortan ko talaga outfit ko tonight 🤣😝
SEXBOMB pa lang, sulit na yung ₱4,500 ko 🤣
Pero pati guests?? Mr. Pure Energy Gary V, di ko alam kung sasayaw ako o sisigaw. Iba talaga pag alaga ka ng Lord 😇🥰 Yung energy niya? Nakaka-amaze kahit ilang taon na ang lumipas.
Tapos Ice Seguerra… maaaa 😭
Nangingilid luha ko sa “Pagdating ng Panahon.”
Dati para ‘yon sa crush ko,
ngayon, naaalala ko yung mga panahong humihiling lang ako, tapos binibigay ng Lord in His perfect time. Kailangan mo lang talagang matutong maghintay.
Tagos pa rin sa puso yung kanta 😭🎶
Grabe ‘tong core memory na ‘to, ibinibida ko nga ‘to sa mga anak ko eh 😭 pero hindi ko ma-explain yung feeling…
only titas na pinalaki ng Sexbomb knows 😭
Iba pag andun ka na talaga, yung faces, kutis, katawan, talent, yung buwis-buhay na performances, tapos yung energy ng crowd plus Sexbomb???
Nakakakilabot sa saya.
Hanggang ngayon, di pa rin nakaka-get over yung puso ko 🥹💖
May Rawnd 6 pa daw,
MAG-GO NA KAYO!
Namnamin niyo, mga kapwa ko trentahin, kwarentahin, at singkwentahin 😂
Sobrang sulit. Sobrang saya. 💣✨