24/01/2025
PAANO MAG-IPON NANG MABISANG PARAAN? 🤔
1. Pay Yourself First
Bago gumastos o maglaan ng budget para sa mga gastusin, unahin ang pagtabi ng pera mula sa iyong sahod o kita kada buwan. Gamitin ang simpleng formula: Kita - Ipon = Gastos. Kapag nakuha mo ang sweldo, bayaran mo muna ang sarili mo bago ang iba.
2. Matalinong Paggastos
Gumawa ng listahan ng mga bibilhin at tiyaking ayon lamang ito sa mga pangangailangan. Iwasan ang impulsive buying at laging tandaan, hindi laging “PAYDAY.” Disiplina ang susi para hindi maging "shopaholic."
3. Bayaran ang Utang
Utang ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap makaipon. Hangga't maaari, iwasang mangutang. Kung hindi maiiwasan, tiyaking bayaran ito sa takdang panahon. Maging responsable sa pag-utang at alamin ang kaya mong bayaran upang hindi mabaon sa pagkakautang.
4. Magtabi ng Emergency Fund
Siguraduhing may nakalaang pera na katumbas ng 3-6 buwang gastusin. Magagamit ito sa oras ng biglaang pangangailangan para maiwasang mangutang.
5. Maghanap ng Extra Income
Palawakin ang iyong kita. Ang pagkakaroon ng karagdagang mapagkakakitaan ay makatutulong upang mas mabilis na makaipon.
Tandaan:
“Money speaks one language: If you save me today, I’ll save you tomorrow.”