05/12/2025
Sa bawat araw na ating pinagsaluhan,
May halakhak, pagod, at tagumpay na naranasan.
Kasama ka sa hirap at ginhawa,
Kaibigan, kapatid, sa trabaho’t tuwa.
Ngayon ay oras na upang magpaalam,
Hindi paglimot, kundi bagong yugto ng buhay.
Ang alaala’y mananatili sa puso’t isipan,
Habang patuloy tayong maglalakbay.
Salamat sa samahan, sa tapang at gabay,
Sa bawat tulong at ngiti mong tunay.
Hangad ko’y tagumpay sa landas na tatahakin,
At muling pagkikita sa tamang panahon darating.
Maraming salamat sa lahat ng tulong at pagiging mabuting kaibigan samin isa ka sa pinakamalupet masipag, matiyaga, at nagbibigay lagi ng pag asa samin kahit akala mo puro ka negative pero sa totoo lang dahil sayo nabuhayan ako na lumaban pa at magpatuloy na maging kapitan ng BnK..
Salamat kaibigan🫡