21/04/2025
Hindi lahat ng mura, maganda. Iwasan ang pekeng anti-rabies vaccine at siguraduhing ligtas ang iyong sarili at pamilya! magpaturok lang sa lehitimong Animal Bite Clinic, gaya ng Saint-Gavin Animal
Bite Clinic.💉💙
CONTACT #: 0909-938-3543 / 0985-241-5270
⚠️Paalala:
Ayon sa FDA Advisory No. 2022-1575, may mga ulat ng pekeng bersyon ng Vaxirab-N (Purified Chick Embryo Cell Vaccine) na ibinebenta online. Ang mga pekeng bakunang ito ay kadalasang may maling label, kulang-kulang na impormasyon, o hindi tugma ang batch numbers. Ang paggamit ng pekeng bakuna ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan.
Ang mga detalye tulad ng kulay, label orientation, at kalidad ng packaging ay mahalagang palatandaan kung ang bakuna ay tunay o peke. Kaya kapag may duda, huwag mag-atubiling itanong sa lisensyadong health worker o i-report sa FDA.
‼️Tandaan: Ang rabies ay 100% fatal kapag hindi naagapan — kaya 100% dapat kang sigurado sa bakunang tinatanggap mo.