
13/07/2025
โDOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASEโ
Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.
Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.
Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.
๐๐ฃ Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
๐ lagnat
๐ singaw sa bibig
๐ sakit sa lalamunan
๐ mga butlig sa palad, talampakan, o puwit
โ๏ธMakaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:
โ
Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
โ
Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
โ
Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan