BHW & BNS Federation of Mariveles Municipal Health Office

BHW & BNS Federation of Mariveles Municipal Health Office Official page ng BHW & BNS Federation, under ng Mariveles Municipal Health Office

MAHALAGANG KAALAMAN:Sa panahon ng tag-ulan, isa ang LEPTOSPIROSIS sa mga sakit na napapanahon. At upang mapag-ingat ang ...
29/07/2023

MAHALAGANG KAALAMAN:

Sa panahon ng tag-ulan, isa ang LEPTOSPIROSIS sa mga sakit na napapanahon. At upang mapag-ingat ang ating mga kababayan at maging ligtas ang ating komunidad sa banta ng sakit na ito. Narito ang mga mahahalagang detalye patungkol dito.

Ating alamin at gawin:

Tandaan ligtas ang may alam.




Paunawa para sa lahat.. Ang gaganapin pong Blood Donation bukas July 29,2023 sa Marveles People's Park ay KANSELADO, gaw...
28/07/2023

Paunawa para sa lahat.. Ang gaganapin pong Blood Donation bukas July 29,2023 sa Marveles People's Park ay KANSELADO, gawa ng malakas na hangin at pabugso bugsong buhos ng malakas na ulan.. Ang lahat po ay pinapayuhan ng ibayong pag iingat... Kaugnay nito ang Municpal Health Office ng Mariveles ay maglalabas ng anunsyo kung kailan itutuloy ang nasabing programa. Maraming Salamat po.

PAUNAWA PARA SA LAHAT...

Ang gaganapin pong Blood Donation bukas July 29,2023 sa Marveles People's Park ay KANSELADO, gawa ng malakas na hangin at pabugso bugsong buhos ng malakas na ulan. Ang lahat po ay pinapayuhan ng ibayong pag iingat.

Kaugnay nito ang Mariveles Municipal Health Office ay maglalabas ng anunsyo kung kailan itutuloy ang nasabing programa.

Maraming Salamat po!




PAMBAYANG PAANYAYA:CHIKITING LIGTAS, sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas. Pabakunahan na ang inyong mga ana...
25/04/2023

PAMBAYANG PAANYAYA:

CHIKITING LIGTAS, sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas. Pabakunahan na ang inyong mga anak para sa isang Healthy Mariveles at isang Healthy Pilipinas.

Basahin ang mga sumusunod na detalye at impormasyon patungkol sa magaganap malawakang pagbabakuna para sa ating mga kabataan edad 0 - 59 buwan gulang mula Mayo 1 - 31, 2023. Makipagugnayan sa inyong mga Barangay Health Stations para sa anumang katanungan.

Abangan ang mga susunod na impormasyon at kaganapan!



PAGPAPLANO at PAGHAHANDA:Ngayong araw, Abril 25 taong 2023 naging abala ang ating mga kawani ng Lokal na Tanggapan ng Ka...
25/04/2023

PAGPAPLANO at PAGHAHANDA:

Ngayong araw, Abril 25 taong 2023 naging abala ang ating mga kawani ng Lokal na Tanggapan ng Kalusugan mula sa iba't ibang Rural Health Units para sa nalalapit na malawakang pagbabakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas para sa ating mga kabataan edad 0-59 buwang gulang. Nagsama-sama sa pagpupulong ang ating mga Public Health Nurses, Midwives at Barangay Health Workers upang matiyak ang maayos na pagsasagawa at makamit ang matagumpay na CHIKITING LIGTAS sa Bayan ng Mariveles.

Uusad ang aktibidad mula Mayo 1 - 31, 2023. Para sa anumang mga karagdagang impormasyon wag mag-atubiling magtanong sa ating mga Health Workers sa inyong mga barangay.



Ngayong ika-24 ng Marso, ating ipagdiriwang ang World Tuberculosis Day. Bilang pagsuporta sa pagdiriwang na ito, ang ati...
22/03/2023

Ngayong ika-24 ng Marso, ating ipagdiriwang ang World Tuberculosis Day. Bilang pagsuporta sa pagdiriwang na ito, ang ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars ay nagkaroon ng lecture tungkol sa sakit na Tuberculosis - kung paano ito nakukuha, sinusuri at ginagamot. Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pangunguna ng ating mga Public Health Nurses, Melody de Jesus, Jernalyn Ladao, Gladys Carnette Balingit at Ruffa Aala.

Nagbigay rin ng suporta ang ating Rural Health Physician Dr. Chezca Culala at Rural Health Dentist Dr. Girlie Tampis.

Ang Tuberkulosis ay nakamamatay, ngunit ito ay nagagamot kung maaagapan.

Sama-sama nating wakasan ang stigma hinggil sa TB!
Tara’t magbayanihan, TB ay tuldukan!




SERBISYONG ABOT-KAMAY SA BARANGAY MALAYABukas, November 04, 2022 sa Malaya Covered Court, 8am onwards.Layunin ng Pamahal...
03/11/2022

SERBISYONG ABOT-KAMAY SA BARANGAY MALAYA

Bukas, November 04, 2022 sa Malaya Covered Court, 8am onwards.

Layunin ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles ay maghatid ng mga pampublikong serbisyong MEDICAL at NON-MEDICAL hanggang sa Barangay ayun sa higit na pangangailangan ng ating mga kababayan. Kaya, magkita kita po tayo!

Mariveles Muna, Mariveles Una

Sa pagtuloy na pagbibigay pahalaga sa aspetong KALUSUGAN ng ating Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pangunguna ng ating ...
02/11/2022

Sa pagtuloy na pagbibigay pahalaga sa aspetong KALUSUGAN ng ating Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pangunguna ng ating Opisina, magkakaroon ng programang "MEDICAL SPECIALIST on WHEELS" hatid ng Bataan General Hospital and Medical Center sa darating na November 11, 2022 mula 9am - 4pm sa Mariveles District Hospital.

Sa mga karagdagang mga detalye makipagugnayan sa inyong mga Rural Health Units na nakakasakop sa inyong mga Barangay.

Narito naman ang mga serbisyong medikal para sa mga konsultasyon:

INTERNAL MEDICINE
-Chronic Kidney Disease
-Cancer (all types)
-Hypertension and Diabetis Mellitus II (complicated case)
-Coronary Artery Disease, Congestive Heart Failure
-Emphysema, Chronic Bronchitis

PEDIATRICS
-Complicated Pediatrics Case
-Children with Thyroid disorder, Juvenila Disease
-Chronic Kidney Disease
-Children with poorly controlled Asthma

SURGERY
-The surgical team can Evaluate and perform "Operation Alis-Bukol"
-Patients with Urologic problems (Kidney Stones, Enlarged Prostate)
-Patients with Orthopedic problems

OBSTETRICS and GYNECOLOGY
-Patients with complicated pregnancies
-Patients with Gynecologic pathology/problems

OTOLARYNGOLOGY - HEAD and NECK SURGERY
-Patients with Neck Mass
-Evaluation on patients with hearing loss
-Evaluation on patients with hoarseness (pamamaos/pamamalat/kawalan ng boses)

OPHTHALMOLOGY
-Cataract Screening
-Patients with eye problems, pugita, glaucoma

DENTAL SERVICE
-BGHMC Dental Bus will be utilized
(Negative Rapid Antigen Test is required on the day of examination)

Ayon po sa pinakahuling ulat ng PAG-ASA, ang Bataan po ay ipinailalim na sa Storm Signal  #3 dulot ng bagyong   (NALGAE)...
29/10/2022

Ayon po sa pinakahuling ulat ng PAG-ASA, ang Bataan po ay ipinailalim na sa Storm Signal #3 dulot ng bagyong (NALGAE).

Patuloy po ang ating koordinasyon sa mga opisina ng MDRRMO, PSO, PNP, BFP at lahat ng ahensya ng ating lokal na pamahalaan para sa monitoring at para matiyak na handa at ligtas po ang lahat sa bagyong . Naka alerto na rin po ang lahat ng ating opisina para sa anumang tulong na kakailanganin ng ating mga kababayan.

Maaari pong tumawag sa ating mga emergency hotline kung mangangailangan ng dagliang tulong:

PSO: 0956-440-9125
MDRRMO: 0998-956-7276 / 0917-634-4474
MEDICS: 0918-421-2937 / 0956-629-2339
COMMAND CENTER: 0968-852-5602

Ang atin pong paalaala sa lahat na maging handa at alisto. Panalangin din po para sa kaligtasan ng bawat isa lalo na po ng ating mga kawani na nakaantabay sa bagyo.





PAGHAHANDA PARA SA BAGYONG  Nandito po ang ilang paalaala ng ating Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa ating mga kababayan...
29/10/2022

PAGHAHANDA PARA SA BAGYONG

Nandito po ang ilang paalaala ng ating Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa ating mga kababayan upang maging handa sa bagyong . Kaya po pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na mag ingat. Lumabas lamang po kung may kinakailangang bilhin. At huwag pong kalimutang magdala ng proteksyon sa ulan tulad ng payong at kapote.

Nakahanda po ang ating Mariveles Command Center at nakaalerto po ang iba’t ibang ahensya ng ating Pamahalaang Bayan para sa mga agarang paglikas.
Maaari lamang pong tumawag sa numero ng ating mga tanggapan kung mangangailangan ng agarang tulong:

COMMAND CENTER: 0968-852-5602
MDRRMO: 0998-956-7276 / 0917-634-4474
PSO: 0956-440-9125
MEDICS: 0918-421-2937 / 0956-629-2339

Muli, ibayong pag iingat po sa lahat!





Matagumpay na nairaos ang Operation Timbang at Garantisadong Pambata Patak ng Vitamin A. Ito ay pinangunahan ng Marivele...
25/10/2022

Matagumpay na nairaos ang Operation Timbang at Garantisadong Pambata Patak ng Vitamin A. Ito ay pinangunahan ng Mariveles Municipal Health Office kaagapay ang mga Nutritionists, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers.

Ang programang ito ay naglalayon na bigyang halaga ang nutrisyon ng ating mga anak sa pamamagitan nang wastong pagkuha ng timbang at pabibigay ng bitamina sa mga ito.

Sa Mariveles, Una ang Kalusugan

Address

Mariveles

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHW & BNS Federation of Mariveles Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BHW & BNS Federation of Mariveles Municipal Health Office:

Share