06/11/2025
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ (๐๐๐๐๐), ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐๐ฌ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง
Sa patuloy na pagsisikap na mapalawak at mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Mariveles, isinagawa ng MMWGH ang seremonya ng pagbabasbas ng Radiology-Psychology Complex Building, gayundin ng una at ikalawang palapag ng General Hospital Building sa pangunguna nina Dr. Dennis Dayao Ordona, Medical Center Chief II ng MMWGH, Director Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO IV, Director IV ng Central Luzon Center for Health Development, bilang panauhing pandangal, at Rev. Fr. Regin L. Tenorio, ngayong November 6, 2025.
Tampok sa Radiology-Psychology Complex Building ang CT Scan Imaging Services, Digital Radiology System, at Psychological Services na magpapalawak sa kakayahan ng ospital na makapagbigay ng de-kalidad at agarang diagnostic services. Samantala, tinatampok naman sa una at ikalawang palapag ng General Hospital Building ang makabago at pinahusay na Emergency Room, Out-patient at Dental Clinics para sa mas pinalawak na pangkalusugang sebisyong medikal para sa mga mamamayan ng Mariveles at mga karatig-bayan.Habang bukas na sa publiko ang Psychological Services Unit, inaasahang magiging ganap na operasyonal sa unang kwarter ng 2026 ang General Hospital Building, CT Scan Imaging System at Digital Radiology System.
Kabilang din sa mga panauhing pandangal sina Hon. Jose Enrique "Joet" S. Garcia III na kinatawan nila Bokal George Estanislao at Angelito M. Sunga; Hon. Albert S. Garcia na kinatawan ni Hon. Reynaldo T. Ibe Jr.; Hon. Ace Jello C. Concepcion, Mayor ng Bayan ng Mariveles; Hon. Jesse I. Concepcion, Vice Mayor; at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mariveles.
Kabilang din sa mga dumalo ang ilang head ng mga DOH facilities sa Rehiyon 3, Retired Chief at ManCom members ng MMWGH at kawani ng Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office at Philhealth Bataan Field Office.