04/08/2025
💉 SCHOOL-BASED IMMUNIZATION
📆 Buong Buwan Ng Agosto 2025
📍 Sa Lahat Ng Pampublikong Paaralan
Bukas, Agosto 5, ay opisyal na magsisimula ang ating pagsasagawa ng School-Based Immunization (SBI) — isang sama-samang programa ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at mga Lokal na Pamahalaan.
🎯 Layunin ng programang ito na pataasin ang bilang ng mga batang protektado laban sa mga sumusunod na sakit:
Measles o Tigdas, Rubella, Tetanus, at Diphtheria (MR-TD) para sa mga mag-aaral sa Grades 1 at 7
Human Papilloma Virus (HPV) para naman sa mga batang babae sa Grade 4, na pangunahing sanhi ng Cervical Cancer
Ang Masinloc Municipal Health Office, sa pamumuno ni Dr. Sylvia Eamilao at Dr. Christiemae Anne Mirabel, RHU Nurses, and Midwives, DOH HRH Nurses and Midwives katuwang ang mga School Principals, School Heads, Clinic Teachers, School Advisers ang magsasagawa Ng pagbabakuna at pagbibigay ng orientasyon.
👇Narito ang iskedyul Ng mga orientasyon at pagbabakuna.
📣 Hinihikayat po namin ang mga magulang at guardian ng mga mag-aaral na pabakunahan ang inyong mga anak. Mangyaring makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga school advisers para sa karagdagang detalye.
📢 Sama-sama po tayong kumilos para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga kabataan. Maraming salamat po!