20/08/2025
BAUAN, Batangas โ Umabot sa 615 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pangangailangan sa edukasyon, medikal, at pagpapalibing. Ang pondong ito ay nagmula sa tanggapan nina Senator Alan at Pia Cayetano, at naipaabot sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nina Congressman Ranie Abu at Bokala Dra. Reina Abu-Reyes.
Sa ginanap na pay out, nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Congressman Ranie Abu at Bokala Dra. Reina Abu-Reyes. Ayon kay Congressman Abu, "Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas marami tayong matutulungan na nangangailangan. Patuloy nating suportahan ang mga programang makakatulong sa ating mga kababayan."
Dagdag pa ni Bokala Dra. Reina Abu-Reyes, "Ang pondong ito ay naglalayong magbigay ng kalinga at pag-asa sa mga pamilyang dumaranas ng pagsubok. Asahan ninyo ang aming patuloy na suporta sa inyong mga pangangailangan."
Kasama rin sa aktibidad sina Mayora Roana Conti, Bokala Jently Rivera, Bokal Wilson Rivera, at ABC Medel Medrano, na nagpakita rin ng kanilang suporta sa mga benepisyaryo.
Ang AICS ay isang programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang nasa krisis.