
05/06/2025
PUWEDE BA ANG RABIES VACCINE KAHIT BUNTIS?
Yes, puwedeng-puwede po. Safe ang anti-rabies vaccine para sa mga buntis. Sa totoo lang, mas delikado ang rabies kaysa sa bakuna — kaya kung nakagat o nakalmot ng a*o o pusa, huwag na pong magdalawang-isip.
Importante ang bakuna para sa buntis dahil:
Rabies is always fatal kapag lumabas na ang sintomas
Walang epekto sa pagbubuntis o sa baby ang rabies vaccine
Mas protektado si nanay at si baby kapag maagap ang aksyon
Kapag nakagat o nakalmot:
1. Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at tubig ng 15 minutes
2. Pumunta agad sa Animal Bite Treatment Center
3. Kumpletuhin ang rabies vaccine schedule
Huwag pong matakot sa bakuna — mas dapat tayong matakot sa rabies.