11/10/2025
‼️SEC. HERBOSA: KAILANGAN DING BANTAYAN ANG MENTAL HEALTH LALO NA KAPAG MAY SAKUNA‼️
Nasa sa 1,522 na ang nakatanggap ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) at interventions sa iba’t ibang bahagi ng Cebu as of October 9, 2025. Naglatag na rin ng plano para sa psychological first aid para sa Davao Region at iba pang rehiyon na nakaramdam naman ng lindol ngayong Biyernes.
Pinagtitibay ng Department of Health ang pagpapatupad MHPSS program alinsunod sa mandato ni Pangulong B**g B**g Marcos na matiyak na hindi papabayaan ang mga nag-panic o nag anxiety, naninirahan man sila ngayon sa tent city o maging ang mga bumalik na sa kani-kanilang komunidad.
At dahil eksperto sa Emergency Medicine si DOH Sec Ted Herbosa, mandato ng kalihim na tuloy tuloy ang psychological first aid, counseling, at stress debriefing ng mga MHPSS responders para tulungan ang mga apektado ng lindol.
Ayon naman sa DOH, sa kahit anumang oras na kailanganin ang tulong, kumonsulta sa pinakamalapit na health center o primary care facility, o tumawag sa NCMH Crisis Hotline: 1553. 📞