Health Promotion - CHO CSFLU

Health Promotion - CHO CSFLU HEALTHY PEOPLE FOR HEALTHY SAN FERNANDO TAYO
City of San Fernando, La Union

🌟 The Doctor is IN sa inyong barangay!Para sa mas abot-kayang kalusugan, ang mga doktor at healthcare workers ng City He...
04/10/2025

🌟 The Doctor is IN sa inyong barangay!

Para sa mas abot-kayang kalusugan, ang mga doktor at healthcare workers ng City Health Office ay pupunta mismo sa inyong barangay para magbigay ng libreng konsultasyon at payong medikal.

Layunin ng Kalusugan sa Barangay na gawing mas madali at malapit ang serbisyong medikal para sa lahat. Kaya’t inaanyayahan ang bawat isa na makiisa at samantalahin ang serbisyong ito para sa inyo at sa inyong pamilya.

πŸ’™ Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog na San Fernando TAYO!


πŸ’‰πŸ‘©β€πŸ‘¦πŸ‘¨β€πŸ‘§ Bakuna Para sa Malusog na Kinabukasan!Mga magulang, mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak! Kaya’t ang City He...
25/09/2025

πŸ’‰πŸ‘©β€πŸ‘¦πŸ‘¨β€πŸ‘§ Bakuna Para sa Malusog na Kinabukasan!

Mga magulang, mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak! Kaya’t ang City Health Office, Department of Health at Department of Education, ay magsasagawa ng School-Based Immunization para sa mga mag-aaral na babae ng Grade 4 laban sa Cervical Cancer.

Ang mga sakit na ito ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, ngunit kaya natin silang protektahan sa pamamagitan ng tamang bakuna. ✨

πŸ“’ Inaanyayahan ang lahat ng magulang na suportahan at pahintulutan ang pagbabakuna ng kanilang mga anak. Antabayanan po ang iskedyul ng bakunahan sa inyong paaralan.
πŸ‘¦πŸ‘§ Sa inyong pakikiisa, makakamtan natin ang isang malusog, ligtas, at masayang kinabukasan para sa ating mga kabataan! 🌟

24/09/2025

πŸ‘©β€βš•οΈπŸ‘¨β€βš•οΈ KALUSUGAN SA BARANGAY πŸ₯✨

Magandang balita, San Fernando! πŸŽ‰ Ang ating mga doktor ay pupunta mismo sa inyong Barangay Health Stations para magbigay ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal. 🫢

πŸ’‘ Layunin ng programang ito na mas mapalapit ang kalusugan sa bawat pamilyang San Fernando.

πŸ“Œ Abangan ang iskedyul ng konsultasyon sa inyong barangay!
Sama-sama nating tiyakin ang mas malusog at mas masayang komunidad. πŸ’š



πŸ’‰πŸ‘©β€πŸ‘¦πŸ‘¨β€πŸ‘§ Bakuna Para sa Malusog na Kinabukasan!Mga magulang, mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak! Kaya’t ang City He...
08/09/2025

πŸ’‰πŸ‘©β€πŸ‘¦πŸ‘¨β€πŸ‘§ Bakuna Para sa Malusog na Kinabukasan!

Mga magulang, mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak! Kaya’t ang City Health Office, Department of Health at Department of Education, ay magsasagawa ng School-Based Immunization para sa mga mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7 laban sa tigdas (measles), rubella, tetano, at dipterya. πŸ›‘οΈ

Ang mga sakit na ito ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, ngunit kaya natin silang protektahan sa pamamagitan ng tamang bakuna. ✨

πŸ“’ Inaanyayahan ang lahat ng magulang na suportahan at pahintulutan ang pagbabakuna ng kanilang mga anak. Antabayanan po ang iskedyul ng bakunahan sa inyong paaralan.

πŸ‘¦πŸ‘§ Sa inyong pakikiisa, makakamtan natin ang isang malusog, ligtas, at masayang kinabukasan para sa ating mga kabataan! 🌟

πŸ€’ May sakit? Huwag nang mag-atubili! 🀝 Bisitahin ang inyong Barangay Health Station, kung saan handa ang ating mga midwi...
30/07/2025

πŸ€’ May sakit? Huwag nang mag-atubili! 🀝 Bisitahin ang inyong Barangay Health Station, kung saan handa ang ating mga midwife at barangay health workers na magbigay ng assessment at agarang medikal na lunas.

Sama-sama tayong magtulungan para sa isang malusog na San Fernando TAYO! πŸ₯✨



🚨 Mapanganib ang dehydration! Ingatan ang kalusugan ng bawat  miyembro ng pamilya.Matapos ang bagyo, mas mataas ang pang...
29/07/2025

🚨 Mapanganib ang dehydration! Ingatan ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

Matapos ang bagyo, mas mataas ang panganib ng pagtatae sa mga bata na maaaring mauwi sa dehydration.

πŸ₯€ 1. Tubig na Malinis, Siguraduhin!
Pakuluan ang tubig bago inumin o gumamit ng bottled water o chlorine solution (water purifier).

🧼 2. Hugasan ang Kamay
Bago kumain, matapos gumamit ng CR, at pagkatapos maglinis, gamit ang sabon at malinis na tubig.

🍽 3. Ligtas na Pagkain
Iwasan mga pagkain na bukas sa alikabok at langaw.
Initin nang maigi ang tira-tirang pagkain.

πŸ‘Ά 4. Oral Rehydration Solution (ORS)
Kung nagtatae si bunso, bigyan agad ng O-R-S.
Humingi ng sachet sa barangay o health center.

πŸ‘©β€βš•οΈ 5. Konsulta Agad
Kung may lagnat, madalas na pagtatae, o may dugo sa dumiβ€”magpatingin agad!

πŸ›‘ Sama-sama nating bantayan ang kalusugan ng ating mga anak!

Let's work together for a Healthy San Fernando Tayo!


Mga Mommy and Daddy! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§Katatapos lang ng bagyo, at dumami na naman ang mga lamok!Protektahan natin si ate, kuya at bu...
28/07/2025

Mga Mommy and Daddy! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§
Katatapos lang ng bagyo, at dumami na naman ang mga lamok!
Protektahan natin si ate, kuya at bunso mula sa dengue at iba pang sakit.
Tandaan ang 5S laban sa lamok!

🌟 1. Search and Destroy
Hanapin at itapon ang mga gamit na may tubigβ€”tabo, lata, bote, gulong!
Diyan nangingitlog ang lamok!

🧴 2. Self-Protect
Gamit ng insect repellent, magsuot ng long sleeves, o kulambo lalo na sa gabi!

πŸ€’ 3. Seek Early Consultation
May lagnat? Masakit ang tiyan o gilagid?
Magpatingin agad sa pinakamalapit na health center!

πŸ’§ 4. Sustain Hydration
Ipa-inom palagi ng tubig si bunso para hindi ma-dehydrate.

🚫 5. Say No to Indiscriminate Fogging
Hindi lahat ng fogging ay ligtas o epektiboβ€”gamitin lang kung may outbreak at payo ng City Health Office.

Let's work together for a healthy San Fernando Tayo!



Protektahan ang sarili laban sa leptospirosis. πŸ’ͺβœ… Libre ang proteksyon!πŸ₯ Available sa inyong Barangay Health Station at ...
23/07/2025

Protektahan ang sarili laban sa leptospirosis. πŸ’ͺ
βœ… Libre ang proteksyon!
πŸ₯ Available sa inyong Barangay Health Station at sa City Health Office.
Uminom ng dalawang Doxycycline capsules ng sabay kung lumusong sa baha para sa isang linggong proteksyon.


Kakabsat laganap na ang mga sakit sa tag-ulan. Kayat narito ang tip upang Iwas Dumi, Iwas Sakit!🀲 Ugaliin ang tamang pag...
20/06/2025

Kakabsat laganap na ang mga sakit sa tag-ulan. Kayat narito ang tip upang Iwas Dumi, Iwas Sakit!

🀲 Ugaliin ang tamang paghuhugas gamit ang sabon at malinis na tubig, lalo na bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran.
βœ… Iwas sa mikrobyo, Iwas sa sakit!

Panatilihing malinis ang kamayβ€”para sa isang mas ligtas at mas malusog na komunidad! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

πŸš«πŸ’¦ Baha? Think before you wade!Leptospirosis is real and can lead to serious illness. Protect yourself avoid floodwaters...
09/06/2025

πŸš«πŸ’¦ Baha? Think before you wade!
Leptospirosis is real and can lead to serious illness. Protect yourself avoid floodwaters at all costs. Stay at home kung 'di naman importante ang lakad, kabsat.

πŸ’‘ Remember:
Pag β€˜di ka lumusong, β€˜di ka gugulong sa hospital bills!
Stay dry. Stay safe. Stay healthy! πŸ§β€β™‚οΈπŸ‘ŸπŸ’š

KABSAT TARA NA! 🩺Walang gastos, walang alala , Serbisyong Medikal na Libre at Maaasahan para sa Bawat Fernando at Fernan...
05/06/2025

KABSAT TARA NA!
🩺Walang gastos, walang alala , Serbisyong Medikal na Libre at Maaasahan para sa Bawat Fernando at Fernanda!! πŸ™Œ

πŸ“ Tanqui Covered Court
πŸ“… June 5, 2025
πŸ•– 7:00 AM – 2:00 PM

πŸ“Œ Huwag kalimutang dalhin ang inyong Mercury Drug Foundation Patient Card!
Para ito sa inyong kalusugan, para ito sa ating lungsod πŸ’™




🌧️πŸ’ͺ KABSAT READY KA NA BA SA TAG-ULAN?Kung lusong ang laban, dapat ready ang katawan! πŸ’ŠProtektahan ang sarili laban sa l...
04/06/2025

🌧️πŸ’ͺ KABSAT READY KA NA BA SA TAG-ULAN?
Kung lusong ang laban, dapat ready ang katawan! πŸ’Š
Protektahan ang sarili laban sa leptospirosis β€” Lepto-Free is the Way to Be!

βœ… Kumuha ng Doxycycline capsules sa inyong Barangay Health Station o sa City Health Office.
βœ… Libre ito β€” para sa kaligtasan mo!

🧑 Maging ligtas. Maging handa.

Address

1/F, Marcos Building, Brgy 1
Metro Manila
2500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Promotion - CHO CSFLU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Health Promotion - CHO CSFLU:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram