
08/07/2024
Ang SIDS meaning Sudden Infant Death Syndrome ay yung biglang namamaatay na baby sa edad na less than 1 year old.
Base sa pagaaral, kung ang baby ay expose aa second hand smoke ay tataas ng chance ng 2 to 4 times more likely na magkaroon ng SIDS in comparison sa hindi exposed.
Yung nalanghap nila ang sigarilyo ay ibig sabihin nun ay may 7,000 chemicals ang nalanghap niya.
Ang kanilang baga ay masyado pang imature para dumipensa at ireject ito.
So iwasan ang paninigarilyo sa loob ng bahay.
Ngayon may tinatawag rin tayong 3rd hand smoke. Yun yung sa labas ka nanigarilyo pagkatapos binuhat mo si baby.
May mga chemical ka pa rin sa katawan mo na ma expose si baby.
Better if maligo ka muna at magpalit ng ibang damit.
Dr. Mata
Pedia