09/02/2025
Ang ERIG ay isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng emergency Rabies treatment, kaya mahalagang malaman kung kailan at paano ito dapat gamitin. ๐
ANO ANG ERIG?
Ang ERIG o Equine Rabies Immunoglobulin ay isang gamot na ginagamit bilang bahagi ng Post-Exposure Prophylaxis (PEP) para sa mga taong nakagat o nakalmot ng hayop na posibleng may rabies.
PAANO ITO GUMAGANA?
Ang ERIG ay naglalaman ng antibodies laban sa rabies virus na kinuha mula sa dugo ng kabayo (equine-derived). Kapag itinurok ito sa pasyente, agad nitong pinapatay o hinaharangan ang rabies virus na maaaring nakapa*ok sa katawan bago pa ito makarating sa utak.
KAILAN ITO IBINIBIGAY?
Ginagamit ang ERIG para sa Category III rabies exposure, tulad ng:
โ
Malalim o maraming sugat NA MAY PAG DURUGO
โ
Kagat sa mukha, ulo, leeg, o kamay kahit ito man ay maliit
โ
Pagdikit ng laway ng hayop sa sugat o mucous membranes (mata, ilong, bibig).
Karaniwang ibinibigay ito kasabay ng unang dose ng anti-rabies vaccine (ARV) at iniinject mismo sa paligid ng sugat upang agad na labanan ang virus.
ANO ANG PINAGKAIBA NG ERIG at HRIG?
Bukod sa ERIG, may isa pang uri ng rabies immunoglobulin na tinatawag na HRIG (Human Rabies Immunoglobulin) na galing naman sa dugo ng tao. Pareho silang epektibo, pero ang HRIG ay mas mahal at mas bihira kaysa sa ERIG.
MAY SIDE EFFECTS BA ANG ERIG?
Dahil ito ay galing sa kabayo, may ilang pasyente na maaaring magkaroon ng allergic reaction tulad ng:
โ ๏ธ Pangangati o pantal (urticaria)
โ ๏ธ Lagnat
โ ๏ธ Pamamaga sa injection site
โ ๏ธ Bihirang ka*o ng anaphylaxis (matinding allergic reaction)
Bago ito ibigay, maaaring magsagawa ng skin test upang makita kung allergic ang pasyente sa gamot.
Contact us:
๐คณ 0953-196-5419
โ๏ธ (02) 8288-0767
๐ง morongopdclinic@gmail.com
๐ GSG Building, 718 Sumulong St., Brgy. San Juan Morong, Rizal