
29/09/2025
Dahil tag ulan na naman, usong uso ang pulmonya sating matatanda at lalo na sa mga bata kaya hanggat maaari iwasan natin ang pagkakaroon ng Pulmonya/Pneumonia.
Ang Pneumonia ay impeksyon sa baga na dulot ng iba't ibang uri ng bacteria.
Ang mga sintomas nito ay:
- ubo
- lagnat
- pananamlay sa pagkain
- pagbilis ng paghinga o paghihingal
Ang pulmonya ay nagagamot o naagapan sa pagbibigay ng antibiotic ng lisensyadong doktor.
Ito ay maaaring maiwasan sa:
-palaging paghuhugas ng kamay
- pag gamit ng face mask pag pupunta sa matataong lugar
- paglayo sa mga taong may ubo't sipon
- pagbabakuna laban sa pulmonya
Sino sino ang pwedeng bakunahan?
1. Mga sanggol 6linggo pataas (3 beses na may pagitan na 4 na linggo)
2. Mga batang 1taon pataas na wala pang booster dose ng Pneumococcal
3. Mga may edad 60 pataas lalo na ang may iba pang karamdaman tulad ng Alta Presyon at Diabetes.
Patuloy po tayong mag ingat at magpalakas ng ating mga resistensya.