19/11/2025
βΌοΈALERT βΌοΈ
LONG STORY AHEAD
βSalamat naman kung ganun..ππ Oo nga, TGP ako nagwwork pero sa Carlos kami (bumibili). Hehehe.
Salamat let (ulit).β β Customer Feedback
Kamakailan ay nagpadala ng mensahe ang isang customer hindi lamang upang magbigay ng papuri, kundi upang magbahagi rin ng kanyang naging karanasan sa isa sa aming branch. Nagkaroon kasi ng kaunting confusion sa reseta na ipinakita ng customer.
Napansin ng aming Pharmacy Assistant na tila luma na ang papel ng reseta at maraming tiklop, at ang nakalagay na petsa ay mukhang sobrang tagal na. Bilang bahagi ng dispensing policy ng kumpanya para masiguro ang kaligtasan at bisa ng gamot para sa pasyente, nagdesisyon ang aming Pharmacy Assistant na hindi muna magbenta ng maraming piraso. Gayunpaman, nag-offer pa rin siya ng ilang piraso bilang paunang gamot at nag-advise na kumuha ng mas bagong reseta.
Alam ng customer na hindi pa talaga expired ang reseta at bagong issue lamang iyon, kaya nag-message siya sa isang empleyado ng Carlos SuperDrug upang ilahad ang kanyang concern. Agad itong inaksiyunan at nakipag ugnayan sa aming Operations Department na agad namang inaksyunan ng Area Supervisor na humahawak sa nasabing branch.
Pagkatapos ng beripikasyon, napag-alamang hindi nga expired ang resetaβnakalilito lamang ang format ng petsa. Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang Area Supervisor sa branch upang maitama ang sitwasyon at mapagbentahan ng sapat na gamot ang pasyente nang hindi na kailangan pang bumiyahe.
Sa huli, nakabili ang customer ng kumpletong gamot, at ang branch ay gumawa na rin ng marka o reference para sa susunod na pagbili upang maiwasan ang parehong pagkalito. Ngayon ay may record na rin ang branch ng mga kinakailangan na gamot ng customer at sinigurado na laging may sapat na stocks nito.
Aral sa Kwento
Hindi masama ang makatanggap ng complaints o constructive criticism. Sa halip, nagsisilbi itong oportunidad para higit pang paghusayin ang aming serbisyo. Sa Carlos SuperDrug, kapag usapang kalusugan, hindi puwedeng basta alaga langβdapat SUPER ALAGA.
Kaya sa mga kapwa naming nag-aalaga, huwag mag-atubiling mag-message sa aming official Facebook account para sa inyong mga katanungan at feedback. Maaari rin kayong sumali sa Alagang Carlos FB Community sa inyong bayan upang maging updated sa aming mga programa at aktibidad para sa inyong kalusugan.
Ang twist ng story, nalaman namin na sa ibang botika siya nag trabaho dati pero nananatili ang tiwala ng pamilya niya sa Carlos SuperDrug na hindi lang basta nag aalaga, SUPER Alaga.