
07/09/2021
https://www.facebook.com/100809545542813/posts/148205514136549/
ANNOUNCEMENT
Mayroon pong mga kawani ng MunCoVac na kasalukuyang nagtatawag o nagpapadala ng mensahe para mag-verify ng ilang impormasyon.
Ang itatanong lamang po sa inyo ay KUMPLETONG PANGALAN, KASAMA ANG MIDDLE NAME. Wala na pong iba.
(Hiwalay na text din po ang system update kung saan tinatanong naman kung kayo ay bakunado na. Galing din po ito sa MunCoVac.)
Kailangan po natin ito para sa inyong vaccination certificate.
Humihingi po kami ng paumanhin dahil mayroong mga naunang nabakunahan na middle initial lamang ang nailagay sa system. Kumpletong middle name po ang kailangan natin for complete validation of your vaccination.
Kung ang tumawag ay humingi pa ng ibang sensitibong impormasyon, agad pong ipagbigay alam sa amin para maimbestigahan.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon.