
22/05/2025
Mommies, COVID is back.
Ingatan lang ang mga babies, Sila ang pinaka-vulnerable… ang babies at toddlers na wala pang bakuna.
May surge sa Singapore and HK, and a Pedia Doctor Posted na it is spreading in Metro Manila with (1) patient admitted. This is to make you aware and wag baliwalain ang mga reports coz it’s happening!
Yes, mild siya sa karamihan.
Pero para sa mga chikiting natin na hindi pa protected, isang simpleng ubo pwedeng mauwi sa ER.
• Hindi pa sila pwedeng bakunahan kung below 6 months
• Sobrang bilis ng hawaan ngayon dahil sa bagong variant
Kaya mga Momsh, kahit pagod na tayo…
Balik ulit sa extra ingat.
Paano natin sila mapoprotektahan?
• Iwas muna sa gatherings o crowded na lugar and playground
• Maghugas ng kamay lagi
• Kung may sakit at symptoms, wag muna lalapit kay baby!
• Check agad sa pedia pag may symptoms ang baby.
Hindi ito pananakot. Ito ay paalala.
Kasi tayo ang first line of defense ng mga anak natin.