23/12/2025
" MINSAN LANG NAMAN ”
Kapag Pasko at Bagong Taon, madalas nating marinig ang linyang:
“Minsan lang naman.”
Minsan lang naman kumain ng marami.
Minsan lang naman uminom ng sobra.
Minsan lang naman magpuyat.
Pero minsan, ang “minsan lang” ay nauulit—taun-taon, handaan sa handaan—hanggang sa maramdaman na ito ng ating katawan.
👉 Paalala mula sa Medical Center Muntinlupa:
Hindi kailangang ipagkait ang saya ng Pasko. Ang mahalaga ay balanse.
Healthy Tips for Christmas & New Year Eating and Drinking
🍽️ Start Light- Kumain muna ng prutas o gulay bago sumabak sa handaan
🎁 Taste, Don’t Overload -Tikim lang bawat putahe, hindi kailangang ubusin lahat
🥗 Balance Your Plate -Punan ng gulay ang kalahati ng plato bago ang karne at kanin
🍖 Choose Wisely -Piliin ang inihaw, nilaga, o baked kaysa prito at creamy dishes
🧂 Watch the Salt -Limit lechon, ham, processed meats, at maalat na sawsawan
🍰 Dessert Control - Isang maliit na slice ng dessert ay sapat na
🥤Drink Smart - Uminom ng tubig sa pagitan ng matatamis at alcoholic drinks
🍷 Alcohol with Limits -Iwasan ang sunod-sunod na tagay .Huwag uminom nang walang laman ang tiyan
🥂 Skip Mixing Drinks - Iwasan ang halo-halong alak para maiwasan ang mabilis na pagkalasing
🚫 No “Bawi Tomorrow” Mindset -Ang sobrang kain at inom ay hindi nababawi kinabukasan
⏰ Mind the Clock -Iwasan ang heavy meals bago matulog, lalo na sa Media Noche
🚶 After-Meal Move -Maikling lakad pagkatapos kumain ay tulong sa digestion
😌 Eat with Awareness - Kumain dahil gutom, hindi dahil “sayang ang handa”
🩺 Know When to Stop -Kapag busog na, okay lang tumanggi—hindi bastos ang mag-ingat sa kalusugan
🎁 Ang tunay na regalo ngayong Pasko ay malusog na pangangatawan—para mas marami pang Paskong sasalubungin kasama ang pamilya.
Magsaya, magdiwang, pero alagaan ang sarili.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mula sa MCM 💚