27/11/2024
FDA, Mas Pinalawig ang Listahan ng VAT-Exempt na Gamot para sa Mas Abot-Kayang Kalusugan ng Pilipino
Naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng mas pinalawig na listahan ng mga VAT-exempt na gamot sa ilalim ng Republic Act No. 10963 at 11534. Batay sa mga nabanggit na batas, nabibigyan ng exemption sa Value Added Tax (VAT) ang mga piling gamot na panglunas sa iba’t ibang karamdaman tulad ng kanser, diabetes, mental illness, at iba pang seryosong sakit.
Ayon sa Implementing Guidelines ng Value-Added Tax (VAT) Exemption on Several Health Products na nakasaad sa Joint Administrative Orders (JAO) No. 2-2018 at No. 2021-0001, magkakabisa ang mga pagbabago na ito sa oras na maglabas ang FDA ng opisyal na advisory.
Ano ang Mga Nadagdag sa Listahan?
Narito ang mga bagong gamot na isinama sa VAT-exempt list:
A. Mga Gamot Para sa Kanser:
• Degarelix: Freeze-dried powder for solution for injection (80 mg and 120 mg).
• Tremelimumab: Concentrate for solution for infusion (25 mg/1.25 mL, 20 mg/mL).
B. Mga Gamot Para sa Diabetes:
• Sitagliptin: Film-coated tablet (25 mg, 50 mg, 100 mg).
• Sitagliptin (as hydrochloride) + Metformin Hydrochloride: Film-coated tablet (50 mg/1 g, 50 mg/850 mg).
• Sitagliptin (as hydrochloride monohydrate): Film-coated tablet (25 mg, 50 mg).
• Linagliptin: Film-coated tablet (5 mg).
C. Mga Gamot Para sa Mental Illness:
• Clomipramine Hydrochloride: Film-coated tablet (25 mg).
• Chlorpromazine (as hydrochloride): Tablet (200 mg).
• Midazolam: Film-coated tablet (15 mg).
D. Mga Pagwawasto
Nilinaw din ng FDA ang ilang pagbabago sa mga naunang na-upload na entries:
• Ang gamot na "Chorionic Gonadotrophin" ay itinama bilang "Human Chorionic Gonadotropin" na may dosage strength na 5000 IU bilang powder para sa injection (IM). Gayunpaman, tinanggal ito mula sa VAT-exempt list dahil hindi ito itinuturing na panglunas sa kanser.
Binigyang-diin ng FDA na ang tamang classification at pagsasama ng mga gamot sa VAT-exempt list ay nakabatay sa kanilang aprubadong indikasyon. Tinitiyak nito na ang benepisyo ng VAT exemption ay para lamang sa mga qualified na produkto.
Patuloy na sinusuportahan ng FDA ang abot-kayang healthcare para sa lahat ng Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapalawig at pag-aayos ng listahan ng VAT-exempt na gamot, layunin ng FDA na mabawasan ang gastusin sa gamutan at mapadali ang access sa dekalidad na pangangalaga, lalo na para sa mga nangangailangan ng life-saving medications.