
22/07/2025
🙏🏻
ORATIO IMPERATA
Panalangin para ipag-adya sa mga kalamidad
Amang makapangyarihan Itinataas namin sa Iyo Ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha.
Kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming pangangailangan At sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha.
Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan, pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian.
At ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang Global Warming ay laganap na.
Ang mga bagyo, pagbaha pagputok ng mga bulkan, lindol, At iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa lyo mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.
Hinihingi namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa Buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipagadya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin gawin kaming mapanaguting katiwala ng Iyong nilikha at maging bukaspalad na kapwa Sa mga nangangailangan sa pangalan ni Hesus. Amen
San Nicolas de Tolentino, Ipanalangin mo kami!