21/02/2026
Worth sharing para sa mga nanay natin....
π Lung Cancer Mula sa Toxic Frying Oils
π Lung Cancer ang DEADLIEST Cancer sa Pilipinas. Mas deadly kumpara sa breast, prostate at colorectal cancers. 21 thousand ang namamatay taon taon sa Pilipinas.
π Lung Cancer ay ang pumapangalawa (2nd) sa Breast Cancer sa Pilipinas.
π Isang phenomenon ngayon ang mga nagkaka lung cancer na NON-SMOKERS at mga BABAE.
Anyare?
Di ba't ang mahal mahal na ng yosi? May mga image pa ng lung cancer na nakakatakot dun sa pakete.
Bakit napakadami pa rin ng nagkaka lung cancer? Pati mga non-smokers at mga babae.
Sa isang malaking pagaaral (meta analysis) na ginawa sa China (1), ang isang posibleng nakitang dahilan ay ang:
β οΈ Paglanghap sa mahabang panahon ng mga usok galing sa frying oil. Mas malala pa ang cancer rates dun sa nag prito na hindi ventilated ang kitchen.
Ang typical na frying oil na ginagamit sa China ay ang mga seed oils, lalo na ang rapeseed/Canola.
Nalalanghap nila ang napakaraming carcinogens gaya ng PAH (polycyclic aromatic hydrocarbons), carbon monoxide, at aldehydes.
Dun sa dati kong post sa Cooking Oil Cheat Sheet, you have to be very very careful sa cooking oil na ginagamit nyo.
β‘οΈ It must be either coconut oil at tallow lang.
Sa mga pagaaral sa mga toxins ng frying oil, ang highest formation ng toxic aldehydes ay mula sa SEED OILS (canola, corn, soya, sunflower, cottonseed). Dahil napakataas ng Linoleic Acid contents nila.
Ang Linoleic Acid, kapag nainitan, nagiging very toxic at carcinogenic na aldehyde na ang tawag ay 4HNE (4-Hydroxynonenal). (3)
Ang halos walang generation ng toxic aldehydes ay ang saturated fats gaya ng coconut oil (2),(3).
Coconut oil and tallow have the LOWEST LINOLEIC ACID content in the world at less than 1%.
β‘οΈ At make sure na ventilated ang kitchen nyo. O dun na lang magluto sa dirty kitchen sa labas.
Reference:
(1). "Association between cooking oil fume exposure and lung cancer among Chinese nonsmoking women: a meta-analysis"
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27284248/
(2). "Toxic aldehydes in cooking vegetable oils: Generation, toxicity and disposal methods"
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2590157525005917
(3). "4-Hydroxynonenal from Mitochondrial and Dietary Sources Causes Lysosomal Cell Death for Lifestyle-Related Diseases"
https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC11644221
I wish you Health β€οΈ