30/06/2025
Ang sakit sa bato o Chronic Kidney Disease (CKD) ay isa ngayon sa mga
pangunahing sakit sa bansa โ isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon
nito. Dahil sa mahabang gamutang kaakibat nito, naaapektuhan ng sakit sa bato ang
ibaโt ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente: ang kanilang mga trabaho, kalidad ng pamumuhay, at lalo na ang kanilang mga naipundar.
Kaya naman, sa direksyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., patuloy na
pinalalawig ng PhilHealth ang mga benepisyo nito lalo na para sa pagpapa-dialysis,
kidney transplantation, at ngayon, pati na rin para sa tuloy-tuloy na gamutan at
pagpapasuri ng pasyente upang panatilihing tagumpay ang operasyon.
Nais natin na maging dito ay wala ng alalahanin ang ating mga kababayan nang sa
gayoโy pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan. Kaya naman, ating
binabahagi ang dalawang bagong benepisyo ng PhilHealth: Z Benefits Package
para sa Post-Kidney Transplantation Services, isang para sa mga bata at isa
sa mga mas nakatatandang mga Pilipinong nakatanggap ng bagong bato mula sa
mga donor.
Sa ilalim ng bagong benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng
PhilHealth ay:
1. Php 73,065 sa kada-buwan na immunosuppressive medications para sa
unang taon at Php 41, 150 kada-buwan sa mga susunod na taon;
2. Hanggang Php 45, 570 na kada-buwan na drug prophylaxis o antibiotic para
makaiwas sa impeksyon;
3. Php 37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang
taon at Php 14,078 naman sa kada-tatlong buwan para sa mga susunod na
taon;
at maraming pang ibang serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng
PhilHealth.
Para naman sa mga mas nakatatanda, edad 19 o higit pa, ilan sa mga
babayaran ng PhilHealth ay:
1. Php 40, 725 sa kada-buwan na immunosuppressive medications;
2. Php 18, 932 para sa anim na buwan na gamutan;
3. Php 11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa
unang taon at Php 8,125 naman sa kada-tatlong buwan para sa susunod na
taon;
at iba pang mga serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.
Sa ilalim ng parehong post-Kidney Transplant Services benefits ay makatatanggap na
rin ng suporta ang mga nagmagandang loob na mag-donate ng kanilang bato. Ang
mga living donors para sa mga bata at mga mas nakatatanda ay parehong
makatatanggap ng Php 1,900 para sa kada-anim na buwan na
pagpapa-laboratoryo at monitoring mula sa PhilHealth. Itong kalinga at suportang
hatid natin para ating donors ay bunga ng ating pagkaunawa ng kahalagahan ng
komunidad sa pagseseguro ng kalusugan ng lahat.
Kaya naman, patuloy na pinaiigting ng PhilHealth ang paglilingkod nang tayo ay
makapaghatid ng isang Mabilis, Patas, at, Mapagkakatiwalaang agabay sa bawat
Pilipino.