
29/07/2025
FYI kailyan🫰
SUBMISSION OF REQUIREMENTS FOR EDUCATION ASSISTANCE
Deadline for submission: September 30, 2025
Magandang balita, kakabsat!
Sa patuloy na pagsusumikap na matulungan ang ating mga kabataan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral, muling inilunsad ng ating butihing Mayor Noel T. Lim ang Educational Assistance Program para sa lahat ng mga Nagtipunan College Students!
Narito ang mga requirements na dapat ninyong dalhin o i-submit:
Original Copy at Photocopy ng mga sumusunod:
• Certificate/Proof of Enrollment
• Valid School ID
• Certificate of Indigency
• Voters Certificate
(Dapat ay bumoto noong nakaraang 2025 Nagtipunan Local Elections at ang mga bagong rehistrado lamang sa ilalim ng Voter Registration for the 2025 Barangay and SK Elections ang EXEMPTED dito.)
• Letter of Intent addressed to Mayor Hon. Noel T. Lim
Ang inyong mga documents ay personal na iabot sa Mayor's Office, Municipal Hall, Nagtipunan, Quirino.
Hinihikayat namin ang lahat ng kwalipikadong College Students na mag-apply at samantalahin ang oportunidad na ito. Isang malaking hakbang ito tungo sa pagkamit ng inyong mga pangarap!
Para kanino ang programa?
• Ito ay para sa mga estudyanteng unang beses na kumukuha ng kurso sa kolehiyo.
• Ang mga estudyante na pansamantalang huminto sa pag-aaral pero ngayon ay nagpatuloy muli ay kwalipikado rin.
• Hindi kasama sa programang ito ang mga second-courser o yung mga kumukuha na ng pangalawang kurso o kasalukuyang kumukuha ng Masteral.
• Lahat ng aplikasyon ay sasailalim sa masusing screening at verification.
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa ating opisina o tumawag sa 0968-702-3748.
Salamat sa ating butihing Mayor Noel T. Lim sa kanyang walang sawang suporta sa edukasyon ng ating mga kabataan!