NAIC RHU Annex - Halang

NAIC RHU Annex - Halang Official FB Page of NAIC MUNICIPAL HEALTH OFFICE - ANNEX

07/05/2026

MGA KA- NAIC! MAG IIKOT NA TAYO SA MGA BARANGAY PARA SA YAKAP REGISTRATION.. MAS MAIGING MASUNOD ITONG SUMUSUNOD NA HAKBANG PARA SA MADALIANG REGISTRATION NNYO SA AMING PAG BABA SA BAWAT BARANGAY..

KARAPATAN NYONG MAGAMIT ANG INYONG BENIPISYONG MEDIKAL PARA SA LIBRENG KONSULTASYON, LABORATORY, GAMOT, DENTAL, PANGANGANAK, ANTI RABIES, MENTAL HEALTH, SAKIT SA BAGA at NUTRISYON NA MERON SA ATING RHU...

MAG REGISTER NA PARA IKAYO'Y AMING MA-YAKAP!

06/05/2026

PRIORITY KAYO!

Flu Vaccine Caravan para sa Senior Citizens at Persons with Disability (PWD)

Bilang pagpapahalaga at pag-aalaga sa ating mga nakatatanda (Senior) at Persons with Disability (PWD), ang ating lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office ay magsasagawa ng isang libreng Flu Vaccine Caravan upang makatulong sa pagprotekta laban sa trangkaso at iba pang komplikasyon nito.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng Senior Citizens at PWD na makiisa at magpabakuna sa ating gaganaping aktibidad:

Venue: Naic Municipal Covered Plaza
Date: May 14, 2026
Time: 8:00 AM – 12:00 NN

✓ Libreng Flu Vaccine
✓ Para sa Senior Citizens at PWD
✓ Ligtas at maayos na vaccination process
✓ First Come, First Serve basis (1st 500)

Mahalaga ang bakuna upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating sarili, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable sector. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, mas mababawasan ang panganib ng malubhang sintomas ng trangkaso at mapoprotektahan hindi lamang ang sarili kundi pati ang ating pamilya at komunidad.

Paalala:

• Magdala ng valid ID
• Dalhin ang vaccination card kung mayroon
• Magsuot ng komportableng kasuotan
• Dumating nang maaga dahil limitado lamang ang bilang ng bakuna

Ang aktibidad na ito ay patunay ng ating patuloy na malasakit at pagbibigay-priyoridad sa kalusugan ng ating mga Senior Citizens at PWD.

Sama-sama nating isulong ang isang mas ligtas, mas malusog at mas protektadong komunidad!







30/04/2026

𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗡𝗗𝗨𝗠 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗢. 19, Series of 2026
Half-Day Suspension of Work sa Pamahalaang Bayan ng Naic

Ipinababatid sa lahat na bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng taunang Sunduan Festival, magkakaroon ng half-day suspension of work sa lahat ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic simula 1:00 PM ngayong Abril 30, 2026.

Ang regular na operasyon ay muling magpapatuloy sa susunod na business day, maliban kung may iba pang abiso.

Mananatiling bukas at operational ang mga tanggapang may kinalaman sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagseserbisyo sa publiko, kabilang ang:

• MDRRMO
• Naic PNP
• Naic BFP
• Municipal Health Office
• Municipal Jail
• NTMO
• Bantay Dagat

Ang work arrangement ng mga nasabing tanggapan ay nakasalalay sa pagpapasya ng kani-kanilang department o unit heads upang matiyak na walang maaantala sa mga pangunahing serbisyo.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagdiriwang ng ating kultura at tradisyon ngayong Sunduan Festival 2026.

15/04/2026

Puede na po Kunin ang Result ng Xray na ginanap sa Villa Adelaida noong Lunes dito po sa RHU ANNEX HALANG.

08/04/2026
VIlla Adelaida Covered CourtApril 13, 2026
08/04/2026

VIlla Adelaida Covered Court
April 13, 2026

‼️WALANG PASOK‼️ March 20, 2025 - BIYERNES
18/03/2026

‼️WALANG PASOK‼️
March 20, 2025 - BIYERNES

𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟏𝟏𝟖𝟗, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Declaring Friday, 20 March 2026, a Regular Holiday Throughout the Country in Observance of Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan)

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/s4HFv5

11/03/2026

ANNOUNCEMENT | Rescheduling of Medical Mission for Women

Ipinapaalam sa lahat na ang Medical Mission for Women na nakatakda sana ngayong March 13, 2026 ay ipinagpapaliban.

Ito ay alinsunod sa memorandum mula sa Pangulo na nagdedeklara ng walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa araw ng Biyernes. Ang bagong iskedyul ng Medical Mission ay April 13, 2026, mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM sa Villa Adelaida Covered Court, Barangay Halang, Naic.

Gayunpaman, bukas pa rin ang tanggapan ng Rural Health Unit (RHU) upang magbigay ng regular na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Naicqueño.

Inaanyayahan pa rin ang ating mga kababaihang Naicqueño na makibahagi sa programang ito sa bagong iskedyul. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.




04/03/2026

Address

375 A Halang Proper (Naic-Indang Road) Naic, Cavite
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NAIC RHU Annex - Halang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share