Brgy. Ibayo Silangan Health Station

Brgy. Ibayo Silangan Health Station Para sa mga opisyal na anunsyo mula sa Ibayo Silangan at Villa Apolonia Health Center

22/09/2023

Ang schedule po ng ating health center sa ibayo silangan proper at villa apolonia ay araw araw na may BHW.

May Nurse po sa ibayo silangan proper health station twing Lunes at Huwebes

May Nurse po sa Villa Apolonia Barangay Health Station twing Martes at Miyerkules.

Maraming Salamat po!

⚠️ PAALALA ⚠️Ayon sa babala na inilabas ng PHIVOLCS ngayong araw, nagbubuga ng mataas na antas ng sulfur dioxide ang Bul...
22/09/2023

⚠️ PAALALA ⚠️

Ayon sa babala na inilabas ng PHIVOLCS ngayong araw, nagbubuga ng mataas na antas ng sulfur dioxide ang Bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Ang vog ay polusyon sa hangin na maaaring magdulot ng epekto sa kalusugan tulad ng iritasyon sa mata, lalamunan, at respiratory tract.

Ang mga sumusunod ay mga pwedeng gawin:
✅ Limitahan ang paglabas ng bahay upang maiwasang ma-expose sa smog
✅ Gumamit ng facemask (surgical facemask, KN95 o N95)
✅ Uminom ng madaming tubig para maiwasang mairita ang lalamunan
✅ Magpa-konsulta sa pinakamalapit na hospital kapag may seryosong epekto ito sa kalusugan

Maraming salamat!

HEALTH ADVISORY: MAG INGAT PO TAYO!

[HAPPENING NOW]September 21, 2023Para sa ating mga ka-barangay dito sa Ibayo Silangan, inaanyayahan po namin ang lahat p...
21/09/2023

[HAPPENING NOW]
September 21, 2023

Para sa ating mga ka-barangay dito sa Ibayo Silangan, inaanyayahan po namin ang lahat para sa mga available na serbisyong medikal na makukuha dito sa Barangay Health Station (BHS)

- Libreng medikal check-up
- Libreng bakuna para sa mga bagong panganak at matatanda
- Libreng prenatal check-up (check-up para sa mga buntis)

Maraming salamat!

Location: Brgy. Ibayo Silangan BHS
Time: 8:00am to 12:00pm

Address

Brgy. Ibayo Silangan
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Ibayo Silangan Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share