
31/08/2025
August 29,2025
Sa pakikipagtulungan ng Lokal na pamahalaan ng Naic sa pamumuno ni Hon. Rommel Magbitang (Municipal Mayor of Naic), Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Ma. Carolina Matel, Barangay Sabang sa pamumuno ni Hon. Daizon King Motas ( Barangay chairman- sabang), Home Owners Association-Pasinaya West at Family Planning Organization of the Philippines-Cavite Chapter (FPOP) ay naisagawa ang "Sexual and Reproductive Health Medical Mission" (SRHMM) cm PuroKalusugan upang magbigay ng komprehensibong serbisyo para sa mga kababaihan o "Women of Reproductive age" kabilang sa mga serbisyong pangkalusugan ay ang mga sumusunod:
✔️ Free Prenatal consultation
✔️ Free Complete blood count and HIV Screening para sa mga buntis
✔️ Free visual inspection using acetic acid (VIA) para ma screen ang mga kababaihan kung mayroong cervical cancer
✔️Free Breast examination
✔️ Free family planning services kagaya ng pills injectables at implant
✔️Free Family planning counselling
Sinamahan din ito ng iba pang serbisyo kagaya ng:
✔️Medical consultation with free medicines
✔️Free multivitamins, micronutrient supplementation and ascorbic acid para sa mga batang edad 6 to 59 months
✔️ Namigay din ng Ready to use supplementary food (RUSF) para sa mga buntis na may kakulangan sa timbang.
✔️Hygiene kit para sa mga nag avail ng family planning services
Kasama din sa nasabing programa ang mga barangay nurses and midwives ng barangay sabang at mga program coordinators upang makilahok at sumuporta sa programa.