26/04/2020
Sa aming mga pasyente,
Magandang araw po sa ating lahat! Nais po naming ipaalam sa lahat ng mga pasyente na nais magpakonsulta ng sakit sa balat gayundin sa mga nais bumili ng gamot na ang amin pong klinika (the skin institute balayan at nasugbu branch) ay muling mgbubukas simula bukas April 27,2020 10am-4pm lunes hanggang sabado. Kasabay po ng muling pagbubukas na klinika ay mayroon po tayong mga kaunting alituntunin na nais ipatupad para po sa kaligtasan ng ating kalusugan.
Ito po ay ang mga sumusunod:
1. Sa mga pasyente po na nais magpakonsulta at bumili ng gamot maari po kayong tumawag o mgtxt muna bago pumunta upang mabigyan kayo ng schedule ito po ay upang makaiwas tayo sa pgkakasabay sabay ng pasyente sa loob ng clinic.
2. Sa bawat pasyente din po na mgpapakonsulta isang kasama lang po ang pinapayagan sa loob ng clinic para po maipatupad natin ang social distancing.
3. Kung maari din po sana na ang bawat pasyente gayundin ang kasama nya ay mayroon suot na face mask at face shield.
Hinihingi po namin ang inyo pang unawa at pakikiisa.
Maraming salamat po at mag ingat po tayong lahat!
Godbless us all!🙏🙏🙏