NBBS Proper Center for Health

NBBS Proper Center for Health TELEMEDICINE

25/07/2025
25/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







25/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ng‭ NCR,‬‭ I,‬‭ II,‬‭ III,‬‭ CALABARZON,‬‭ MIMAROPA,‬‭ V,‬‭ VI,‬‭ VII,‬‭ VIII,‬ IX,‬‭ X,‬‭ XI,‬‭ XII,‬‭ Caraga‬‭ at‬‭ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



25/07/2025

❕TAMA AT MASUSTANYSANG PAGKAIN NG MGA BATA, KAILANGANG MAISULONG SA MGA ESKWELAHAN —DOH ❕

Suportado ng DOH ang Expanded School-Based Feeding Program ng DepEd na inilunsad ngayong araw. Bukod sa feeding program, binigyang diin ng DOH na kailangan ding paigtingin ang edukasyon ng mga kabataan tungkol sa tamang nutrisyon para maging normal sa kanila ang pagpili ng gulay, prutas at masustansyang pagkain araw-araw. Parte ito ng programa ng DOH na Healthy Learning Institutions, na nagsusulong sa mga paaralan na maging healthy food environment.

25/07/2025

🚨 DOH NAGPAALALA SA KAHALAGAHAN NG PAGHUGAS NG KAMAY SA EVACUATION CENTER 🚨

Umabot na sa 29,814 ang bilang ng mga evacuees sa mga rehiyon ng I, II, III, MIMAROPA, V , VI, VII, IX, at CAR na naapektuhan ng ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System (as of July 19, 2025).

Dahil dito, nagpapaala ang DOH sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa katawan lalo na sa evacuation centers.

Madaling kumalat ang mga sakit sa evacuation centers dahil marami ang tao sa iisang lugar.

Basahin ang larawan para manatiling ligtas laban sa mga sakit, nasaan man kayo ngayong maulan.




25/07/2025

‼️YOSING BINUGA, NALALASON DIN ANG IBA‼️

Alam mo ba na sa bawat buga ng sigarilyo, 4,000 na kemikal ang nakakalat at nalalanghap ng ibang tao. Naglalaman ito ng mga kemikal na maaaring magdulot ng kanser. ☠️

Hindi lang ang smoker ang maaaring makakuha ng sakit, nalalanghap ito ng mga taong nasa paligid mo—damay pati ang pamilya mo! 😨

‘Wag magyosi ‘wag mag-vape! Tumawag sa DOH Quitline 1558 para sa tulong sa pag-quit. 🚭



25/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

25/07/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. 💊👍

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





25/07/2025

Ang iyong donasyong dugo ay makakatulong sa mga taong may sakit tulad ng leukemia, iba pang uri ng cancer, anemia, dengue, pati na din sa mga naaksidente o naoperahan.

📍 Mag-donate ng dugo sa pinakamalapit na DOH hospital, Blood Service Facilities, Philippine Red Cross chapter, o sa mga mobile blood donation drives sa inyong barangay o workplace:
http:tinyurl.com/BloodServiceFacilitiesPH

👉 Maging Bayaning Totoo, Magbigay ng Dugo




Address

Navotas

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Telephone

+639204010976

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NBBS Proper Center for Health posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to NBBS Proper Center for Health:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram