SAN ROQUE Health Center Navotas City

SAN ROQUE Health Center Navotas City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAN ROQUE Health Center Navotas City, Medical and health, Navotas.

01/03/2023

Walang Health kung Walang Mental Health

Simula sa lunes Nov 7 hanggang Nov 18, 2022 ay magkakaroon po tayo nang routine catch-up immunization Nais nating isulon...
06/11/2022

Simula sa lunes Nov 7 hanggang Nov 18, 2022 ay magkakaroon po tayo nang routine catch-up immunization
Nais nating isulong ang pagbabakuna para sa pediatric population edad 2 pababa (0-23 months old), at mai-promote ang kolektibong pagkilos ng mga sektor upang masigurong ligtas ang bawat mamamayan, anuman ang edad, sa tulong ng bakuna.
Ang mga healthcare workers sa mga komunidad ay magbibigay ng mga bakuna tulad ng Penta Hib (proteksyon kontra Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Hepatitis B and Hib), OPV at IPV (kontra polio), Measles Containing Vaccine (MCV) laban sa tigdas at PCV (laban sa pneumonia) ang mga bata.
Libre ang mga bakunang ito. Para sa mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga babies, punta na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Magpabakuna na!


ANNOUNCEMENT!!!!!!!Ang ating Dental Bus ay magkakaroon ng FREE DENTAL TREATMENT "BUNOT" simula March 7-9, 2022***maximum...
28/02/2022

ANNOUNCEMENT!!!!!!!

Ang ating Dental Bus ay magkakaroon ng FREE DENTAL TREATMENT "BUNOT"
simula March 7-9, 2022

***maximum of 5 Patient per day bawat Barangay na aming nasasakupan (Brgy. San Roque at Brgy. Daanghari)

Maari lang po na magpalista upang mabigyan nmin kayo ng slot per day.

25/08/2021

Magandang umaga po sa inyong lahat
online na po ang schedule ng bakuna sa baby

09/03/2021

Paunawa po sa lahat ng mga magulang na magpapabukana ng mga anak nila bukas, Wednesday, wala po tayong immunization. Sa March 17 na po ang schedule. Disinfection po ng buong center.

Maraming Salamat

09/03/2021
New Schedule of Services
17/09/2020

New Schedule of Services

19/06/2020

Ngipin Natin, Alagaan Natin
Payo ni Doc Willie Ong

Ang pagkasira ng ngipin ay tinatawag na tooth decay o dental caries. Ito ay isang problema na laganap sa Pilipinas. Maraming kabataan ang may sirang ngipin sa mura pang edad.

Nag-uumpisa ang tooth decay kapag hindi tayo nag-sepilyo at may naiwang pagkain sa pagitan ng ngipin. Dahil dito, may mga bacteria sa bibig na sumasama sa pagkaing ito at magiging dental plaque o tartar. Sa katagalan ay may asido na inilalabas ang mga bacteria at ito ang sisira sa ngipin.

Kapag hindi ito naagapan, tuluy-tuloy na ang pagkabutas ng ngipin. Kung maliit pa lamang ang butas sa ngipin ay puwede pa ito pastahan. Ngunit kung malaki na ang butas ay baka kailangan na itong bunutin. Kawawa naman ang mga bata na maraming bunging ngipin.

Habang nasisira ang ngipin, kadalasan ay inaabot ang nerve (ugat) kaya sumasakit ito. Kapag lumalim ang impeksyon ay puwedeng kumalat ang bacteria sa dugo at magkaroon ng komplikasyon.

Ang solusyon lamang sa sirang ngipin ay ang pagpapatingin sa isang dentista. Habang naghihintay ng appointment sa dentista, mayroon tayong first aid para sa tooth decay:

1. Puwedeng uminom ng gamot na pain reliever kung sobrang sakit ng ngipin. Ang ehemplo nito ay ang mga mefenamic acid capsules. Inumin lang ito pagkatapos kumain para hindi humapdi ang tiyan.

2. Ituloy ang pag-sepilyo ng ngipin kahit masakit ito. Huwag iwasan ang mga masasakit na lugar dahil posibleng doon nanggagaling ang impeksyon. Dahan-dahanin lang ang pag-se-sepilyo.

3. Magmumog gamit ang maligamgam na tubig na may konting asin. Ito ay para mabawasan ang pamamaga ng gilagid. Gawin ito ng madalas.

4. Mag-ingat sa matitigas na pagkain. Puwedeng mabungi ang ngipin kapag kumagat ka ng matigas. Kumain muna ng malalambot na pagkain tulad ng lugaw at isda. Umiwas din sa sobrang mainit at malamig na pagkain para hindi mangilo ang ngipin.

At siyempre, kumonsulta agad sa dentista.

Pansamantalang sarado na po ang ating E-Konsulation. Ang inyong mga text at messages sa fb page ay matutugunan na po sa ...
09/05/2020

Pansamantalang sarado na po ang ating E-Konsulation. Ang inyong mga text at messages sa fb page ay matutugunan na po sa lunes.
Sarado po tyo tuwing sabado at linggo at bukas tuwing monday to friday tuwing 8am to 3pm lang po.

Pansamantala pong sarado na ang ating E-Konsulation.Lahat po ng inyong text at messages sa ating FB page ay masasagot po...
06/05/2020

Pansamantala pong sarado na ang ating E-Konsulation.

Lahat po ng inyong text at messages sa ating FB page ay masasagot po bukas mula 8am-3pm

Maraming salamat po

27/04/2020

Maaari na pong komunsulta sa ating E-Konsultation upang matugunan ang inyong pangangailangang pangkalusugan.

Monday-Friday
8am-3pm

Contact Person: Jhoy Bautista (Staff Nurse)
Contact Nos.: 0923 - 400 - 9754
FB Page: SAN ROQUE Health Center

* Maaari pong magtext o magmessage lang sa ating FB page ang gusto pong magpakonsulta. Sa ganitong paraan ay maiiwasan po natin ang paglabas labas po ng ating mga tahanan.


Maintenance Mo, Deliver KoFor Senior Citizen of Brgy. San Roque and Brgy. Daanghari
23/04/2020

Maintenance Mo, Deliver Ko
For Senior Citizen of Brgy. San Roque and Brgy. Daanghari

Address

Navotas

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm

Telephone

+639234009754

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAN ROQUE Health Center Navotas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SAN ROQUE Health Center Navotas City:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram