Tanza 1 Health Center Navotas

Tanza 1 Health Center Navotas Kung may katanungan o gusto magpaconsulta maaari po kayo magiwan ng mensahe sa page na ito. Salamat po.

02/12/2025

mayroon pong libreng xray sa barangay BBN, sa gusto pong magpa xray punta nalang po doon hanggang 3pm po.

26/11/2025
26/11/2025

Mayroon pong libreng xray ngayon Nov 26, 2025 sa Tanza 2 pabahay Health center from 8am-2pm only

Send a message to learn more

Ikaw ba ay may anak na Babae na nasa idad 9 - 14 y/o at hindi pa nabibigyan ng Bakuna laban Cervical Cancer or HPV Vacci...
19/11/2025

Ikaw ba ay may anak na Babae na nasa idad 9 - 14 y/o at hindi pa nabibigyan ng Bakuna laban Cervical Cancer or HPV Vaccine?

Pumunta lang sa Nasasakupang Health center sa iyong lugar upang sila ay mapabakunahan.

Ito po ay Libre at ligtas.

kailangan lang dalhin ang inyong philhealth ID or MDR.

Ingatan ang Batang mga Babae! Cercical Cancer ay Iwasan!

Magkakaroon po tayo ng Dental extraction at minor surgery mission.100 dental extraction (libreng bunot ng ngipin)25 mino...
17/11/2025

Magkakaroon po tayo ng Dental extraction at minor surgery mission.

100 dental extraction (libreng bunot ng ngipin)
25 minor surgery
on November 23, 2025 (8am - 12nn)
at Tanza 2 New Pabahay Multipurpose Bldg.

Mga dapat gawin at dalhin:
☑️ magpa register sa Health center
☑️ magpa risk assessment sa Health center
☑️ Dalhin ang Philhealth ID
☑️ Magdala ng Valid ID

Para sa iba pang katanungan maaaring magiwan ng mensahe or magtanong sa Health center.

Salamat po.

09/11/2025
09/11/2025

𝑰𝒘𝒂𝒔 𝑳𝒆𝒑𝒕𝒐𝒔𝒑𝒊𝒓𝒐𝒔𝒊𝒔 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈-𝒖𝒍𝒂𝒏!

𝑴𝒈𝒂 𝑵𝒂𝒗𝒐𝒕𝒆ñ𝒐, 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏!

💪 𝑨𝒏𝒈 𝑳𝒆𝒑𝒕𝒐𝒔𝒑𝒊𝒓𝒐𝒔𝒊𝒔 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒖𝒌𝒖𝒉𝒂 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒕𝒖𝒃𝒊𝒈-𝒃𝒂𝒉𝒂 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒚 𝒊𝒉𝒊 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒈𝒂. 𝑰𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒉𝒂 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒍𝒊𝒈𝒊𝒓𝒂𝒏.

𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒊𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈, 𝒖𝒎𝒊𝒏𝒐𝒎 𝒏𝒈 𝑫𝑶𝑿𝒀𝑪𝒀𝑪𝑳𝑰𝑵𝑬 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏! 💊

📌 Paalala sa pag-inom ng Doxycycline:
✅ Kung isang beses lang lumusong at walang sugat — uminom ng 2 kapsula pagkatapos kumain, isang beses lang.
✅ Kung may sugat — uminom ng 2 kapsula bawat araw sa loob ng 3 araw.
✅ Kung tuloy-tuloy na lumulusong sa baha — uminom ng 2 kapsula isang beses kada linggo habang kinakailangan.

🚫 Bawal uminom ang mga:
• Buntis 🤰
• Nagpapasuso 👩‍🍼
• Bata na 8 taong gulang pababa 👧👦

⚠️ Huwag isabay sa Calcium, Iron, Multivitamins, o Antacids — maghintay ng 2 oras bago o pagkatapos kumain.

💊 Uminom ng gamot sa loob ng 24–72 oras mula sa exposure upang maging epektibo laban sa leptospirosis.

🩺 Maging alerto, maging ligtas, at alagaan ang kalusugan!
Navotas City Health Department

09/11/2025

PAALALA NAVOTEÑO!

Narito ang mga sumusunod na HEALTH CENTERS na bukas na maaaring mapuntahan upang tumugon sa mga health emergency cases mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Pina paalalahanan ang lahat na mag-ingat!

09/11/2025

🚨 MAG-INGAT SA FLASH FLOOD SA MGA LUGAR NA MALAPIT SA ILOG 🚨

Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA, kasalukuyan pa ring nasa Flood Watch ang Cagayan River, Ilog-Hilabangan, Jalaur River, at Panay River.

Bagamat inaasahang lalabas na ng bansa ang Bagyong Tino bukas, nananatili pa rin ang banta ng flash flood sa mga lugar malapit sa ilog dahil sa biglaang pagtaas ng tubig dala ng pagdaloy ng naipong ulan mula sa matataas na lugar.

Antabayanan ang lagay ng mga ilog na nasa Flood Watch: https://www.pagasa.dost.gov.ph/flood.

Mapanganib at nakamamatay ang flash flood. Alamin ang paraan para maging handa rito.





09/11/2025

ABISO NAVOTEÑO | Sumulat po ang MMDA kay Mayor John Rey Tiangco tungkol sa pagtataas ng Navotas Navigational Gate bilang paghahanda sa Bagyong . Ito ay para maiwasan ang pagpasok ng tubig-dagat sa ating mga kalsada kapag mataas ang level ng high tide. Kaugnay nito, lahat ng mga sasakyang pandagat ay hindi muna makadadaan sa Tangos River Channel.

Samantala, mananatiling operational ang Navotas at Kailugan Floodgates.

Babalik sa regular operation ang Navotas Navigational Gate paglipas ng bagyo.

09/11/2025

Ihanda ang Go Bag

Kung kailangang lumikas, makipag-ugnay sa barangay. Maaari ring tumawag sa ating hotline na 8281-1111 o mag-TXT JRT sa sumusunod na numero:
Globe: 0917 521 8578
Smart: 0908 886 8578
Sun: 0922 888 8578


Address

Tanza, Navotas
Navotas

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639310345882

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanza 1 Health Center Navotas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram