Sipac Health Center

Sipac Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sipac Health Center, Health & Wellness Website, 14 A. Santiago Street Sipac Almacen, Navotas.

27/08/2025
27/08/2025

Magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Active TB Case Finding ang ating City Health Office kaugnay ng paggunita sa National Lung Month. Layunin ng aktibidad na ito na maagang matukoy ang mga may sintomas at agad makapagbigay ng gabay para sa tamang gamutan. Ito ay gaganapin sa 29 August 2025, 4:00PM, sa GAD Center ng Navotas Fish Port Complex.

Bukod sa TB case finding, maghahatid din ng libreng health risk assessment at HIV screening, testing, and counseling. Mayroon ding registration para sa PhilHealth YAKAP. Magdala lang ng isang valid ID.

Sa ating lungsod, sa bisa ng City Ordinance No. 2020-05, mayroong matatanggap ng P3,000 livelihood assistance ang mga matagumpay na makakatapos ng tamang gamutan sa ating health centers.

25/08/2025

📢 PAALALA 📢

Bagama’t nag-anunsiyo ang DILG na walang pasok bukas August 26,2025 nais naming iparating na bukas at tumatanggap pa rin ng mga pasyente para sa serbisyong pangkalusugan ang ating center.

📍SIPAC HEALTH CENTER

Maraming salamat po at ingat tayong lahat!

13/08/2025

Navoteño parents, siguruhing ligtas ang ating mga anak habang nag-eexplore online. Tumutok sa "Smart Clicks, Safe Kids: A Parent’s Guide to Digital Safety and Online Protection" webinar para maging mas handa tayo sa digital era. Bukas na ito, 14 August, 9am, dito sa Navoteño Ako FB page.

13/08/2025

Gusto mo bang lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa LEPTOSPIROSIS.

Magkakaroon ng Online Forum, sa pangunguna ng Department of Health (Philippines), tunkol sa sakit na LEPTOSPIROSIS sa August 14, 2025 (Thursday) via online flatform.

Iscan ang QR code na matatagpuan sa larawan sa baba para maka join sa nasabing online forum.

13/08/2025
04/08/2025

Magpabakuna laban sa Measles, Rubella, Tetanus, Diptheria para sa grade 1, grade 7, MrTd Catch up para sa grade 2 at HPV para sa grade 4 na babae lamang. LIBRE po ito. Makipag ugnayan lamang sa mga g**o sa pampublikong eskwelahan ng Navotas.

04/08/2025

Ang Agosto ay Buwan ng Family Planning. Kaisa ang Navotas City sa selebrasyon ng National Family Planning Month. LIBRE ang pills, condom, injectable, implant, IUD at natural method ng pagfamily planning sa lahat ng health centers (1pm onwards), sa tanza lying in (24 hours) at Navotas City Hospital Family Planning Clinic (OPD) mula Lunes hanggang Biyernes

30/07/2025

Ngayong Tag-Ulan, Ating labanan ang WILD!

W- aterborne Diseases (Makukuha sa paginom ng maruming tubig)
I- nfluenza Like Illness (Trangkaso)
L- eptospirosis (Makukuha sa ihi ng daga na madalas ay nasa baha)
D- engue (Makukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti)

Paano lalabanan ang WILD?

1. Maging updated sa lagay ng panahon

2. Manatili muna sa bahay kapag masama ang pakiramdam o kapag may bagyo

3. Itaob, Itaktak, tuyuin at takipan ang mga lalagyan upang di pamahayan ng mga lamok

4. Magpakonsulta agad sa pinaka malapit na health center o doktor kapag masama ang pakiramdam.

Ngayong panahon ng tag-ulan, sarili ay protektahan!

30/07/2025

Narito sa baba ang HOME REMEDIES LABAN SA ATHLETE'S FOOT (Alipunga):

30/07/2025

ABISO NAVOTENO | Maaantala po ang koleksyon ng mga basura sa ating lungsod dahil inaabot ng halos 3 oras ang pila sa Vitas Marine Loading Station.

Nakikipag-ugnay na po tayo sa mga barangay at sa Phileco tungkol dito.

Pakiusap na wag po munang ilabas ang basura habang wala pa ang ating mga truck para hindi po ito kumalat sa ating mga kalsada at makabara sa mga kanal.

Address

14 A. Santiago Street Sipac Almacen
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sipac Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Sipac Health Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram