11/08/2025
Tumataas ang kaso ng HIV sa ating lungsod. Mahalagang malaman kung paano manatiling ligtas mula sa sakit na ito at anu-ano ang mga dapat gawin sakaling nahawaan na nito.
Ang HIV ay maaaring i-manage. Sa pamamagitan ng tama at tuloy-tuloy na gamutan, maaari pang bumaba ang viral load ng pasyente sa puntong hindi na ma-detect ang virus sa kanyang katawan, at hindi na siya makahawa sa iba. Kaya makilahok sa webinar para magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa sakit na ito.
Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa HIV/AIDS, paano mag-ingat at maging safe para sa ating sarili at sa kapwa. Ngayong Linggo ng Kabataan, makilahok sa โGet Real, Get Safe: HIV/AIDS Awareness and Preventionโ webinar para sa NavoYouth sa 13 August, 9am, via Zoom or FB Live.