14/07/2020
“Hindi kami nag-iisa sa pagharap sa pandemya. Kahit lockdown dito, hindi kami pinabayaan ng kapwa namin dahil sa lahat ng tulong na binigay sa amin,” a ni Nanay Mercedita "Ine" Cruz na presidente ng Samahan ng Kababaihan Kaunlaran para sa Kinabukasan ng Sitio Sapang Munti (SK3SSM).
Naging matagumpay ang ating relief operation na isinagawa noong Hulyo 01-03 para sa 385 na pamilya ng Ipo Watershed. Sa pakikipagtulungan ng AIESEC ADMU, ipinagkaloob nila ang Php 51,368 mula sa kanilang donation drive para sa mga pamilya ng Ipo Watershed noong Hunyo 20, na ating ipinagsanib sa natitirang balanse na Php 42,368 na donasyon para sa Sitio Sapang Munti.
Sa pagnanais na makatulong sa iba pang nangangailangan sa loob ng Ipo Watershed, napagdesisyunan ng SK3SSM na ibahagi ang suportang natanggap ng Sitio Sapang Munti sa mga pamilya ng Sitio Santol, Sitio Pako, Sitio Anginan, Sitio Isla, Sitio Dam/Miranda, at Sitio Legacy. Ang SK3SSM ang nanguna mula sa pag-census ng mga pamilya hanggang sa distribusyon ng mga relief packs. Ang bawat pamilya sa loob ng Ipo Watershed ay nakatanggap ng 3 kilong bigas, kape, asukal, asin, sardinas, noodles at sabong panlaba.
Sa kabuuan, tayo ay nakalikom ng Php 178,793.00 mula sa donasyon ng iba’t ibang indibidwal, pamilya, at grupo para sa Sitio Sapang Munti. Kami, sa Team Ipo, ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng munting inisyatiba na ito.
Sa pagtatapos ng ating donation drive para sa mga residente ng Sitio Sapang Munti, nagpapatuloy ang community quarantine sa lalawigan ng Bulacan kung kaya’t sa mga nais pang mag-abot ng tulong sa Sitio Sapang Munti ay kumontak lamang sa Likhang Ipo fb page.
Muli, maraming salamat sa inyong .