19/04/2026
Ang Dalawang Uri ng Rabies na Dapat Mong Malaman.
Kapag iniisip ng tao ang rabies, kadalasan ang naiisip ay isang a*o o pusang agresibo, at bumubula ng laway ang bibig. Pero hindi laging ganito ang itsura ng rabies. May dalawang klinikal na anyo ang rabies, at pareho silang nakamamatay.
Ang pag-unawa sa pagkakaiba nila ay maaaring makapagligtas ng buhay.
🔴 Furious Rabies (ang “karaniwang” anyo ng rabies) - Ito ang uri na pamilyar sa karamihan.
Maaaring magpakita ang hayop ng:
- Biglaang pagka agresibo
- Hindi mapakali
- Labis na paglalaway
- Sensitibo sa ilaw at ingay
- Pagkagat o pag kalmot nang walang dahilan sa tao, hayop, o bagay
Sobrang balisa at agresibo ang mga hayop na may furious rabies, kaya ito ang tawag dito.
Kalaunan, nauuwi ito sa pagkaparalisa at kamatayan.
🔴 Paralytic o “Dumb” Rabies (madalas hindi napapansin) - Dahil hindi agresibo ang mga hayop na may dumb rabies, madalas napagkakamalan itong simpleng karamdaman o injury.
Maaaring magpakita ang hayop ng:
- Panghihina, pagkatumba, o hindi matatag na paglakad
- Nakalaylay na panga o hirap lumunok
- Labis na paglalaway
- Tahimik, kalmado, o labis na pag-withdraw na ugali
- Unti-unting pagkaparalisa hanggang sa coma at pagkamatay.
Tandaan:
Hindi kailangan maging agresibo ang hayop para makahawa ng rabies. Sapat na ang exposure sa laway.
Maraming ka*o ng pagkahawa ng tao ang nangyayari dahil hindi alam ng mga tao na puwedeng tahimik ang rabies. Ang pagkilala sa dalawang anyo nito ay nakatutulong upang mas mabilis makapag-ingat ang komunidad.
Protektahan ang Iyong Alaga at Pamilya
- Pabakunahan ang a*o at pusa taon-taon
- Iwasang hawakan ang mga hayop na may kakaibang kilos o neurologic na sintomas
- Magpagamot agad kung na-expose
Inirerekomenda ang pre-exposure shots para sa:
• Mga rescuer at shelter workers
• Volunteers sa stray feeding rounds
• Mga taong madalas humawak ng stray animals
• Mga batang madalas nakikipaglaro sa hayop
• Mga nakatira sa rabies-endemic na lugar
Ang rabies ay 100% nakamamatay, pero 100% na maiiwasan.