
07/08/2025
Ilang cm ka bago ka inadmit ?
Alam niyo ba mga mommies na totoo yung walang nararamdaman pero nasa 5cm na sila?
Ang cervical dilation ay hindi pare pareho. May ibang buntis na 5cm pero walang nararamdamang sakit o contractions .
May ibang mommies na 2cm palang pero active na ang labor contractions.
Dito na papasok kung gaano ka taas or ka baba ang iyong pain tolerance. Hindi natin masisisi ang ibang mommy na kahit 2cm palang pero grabe na yung sakit na nararamdaman nila kasi mababa ang kanilang pain tolerance.
May ibang mommy naman na kahit 10cm na parang wala lang nakiki chismiss pa๐คญ
May 5cm na pero umaabot pa ng 7 days bago makapanganak. Or unless magbibigay ng pampahilab para sumakit . Dito na papasok ang importance ng hilab . Hindi ka i aadmit kung wala kang nararamdaman hilab kahit ikaw ay nasa 5cm na๐ค
Kaya sa mga may mga cm na, huwag kayong atat๐คฃโ๏ธ hindi dahil may cm na kayo tapos hindi pa tumataas iniisip niyo na kaagad na โ stockโ na pwedeng mag antay kasi ang hilab hindi mo alam kung kailan darating unless tuturukan ka ng pampahilabโค๏ธ
Advice ko lang po mga mommy kapag kayo ay may cm na walang ibang gawin kundi โmag hintayโ pwede ang lakad lakad lang sa loob ng bahay pero yung maglakad ng malalayo hindi yung tama kasi mappagod ka pati si baby.
๐คฐ๐ปTeam August and September โค๏ธ
CTTO