22/05/2020
Meet one of the Founders of Fast Track Worldwide
Muntik na akong sumuko noon, pero buti nalang nalaman ko ‘to . . . . 😢
Maraming tao ngayon, nakikita nila ako bilang successful na
Nakikita nila yung mga nabili kong bahay 🏘️
Nabiling sports car, mga investment, nag-papatakbo ng kumpanya. 🏎️
Merong financial freedom 💸
Yan yung mga bagay na nakikita nila. Yung success. Yung “SURFACE LEVEL”.
Pero hindi nila nakikita yung mga nangyari “BEHIND THE SCENE"
😔Hindi nila nakita yung hirap:. yung struggles. yung paulit ulit na failures. yung mga moment na napahiya o na-reject ako.
Nakakahiya man aminin
Nung nag-simula akong maging Entrepreneur o mag-negosyo
Inabot ako ng 8 Months na wala akong resulta (zero results).😔
Paulit ulit akong nalugi
Nalubog sa utang
Na-frustrate sa sarili dahil alam ko naman sarili ko na binibigay ko ang best ko
Inaaral ko naman ang mga negosyong pinapasok ko
Alam ko naman sa sarili ko na magaling ako sa numbers dahil CPA Accountant ako
Pero paulit ulit pa rin akong nag-fail. 😔
Hindi nakukuha yung resulta na gusto kong makuha
Dumating pa nga yung point na nawala yung confidence ko
Naawa ako sa sarili ko. 😔
Lalo na nakikita ko yung mga nakakasabay ko at okey ang resultang nakukuha nila
“I GIVE UP”
“AYOKO NA”
Nakakahiya man sabihin
SUMUKO AKO.😔
At yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Sinabi ko sa sarili ko
“Hindi siguro talaga para saken ang Entrepreneurship”
“Hanggang dito nalang siguro talaga ako”
“Tama siguro yung sabi ng iba na hindi ko kaya”
…
Isang araw, tinawagan ako ng kapatid ko at may sinabi syang isang balita
Balita na yumanig ng mundo ko
“Kuya, nadulas si lola sa banyo, masama ang bagsak at kailangan operahan”😨
Sobrang gulat at lugmok ko nung narinig ko yun.😨
Ang pinakamasakit pa ay
Kailangan syang operahan at may mga kailangang biling gamot
Pero wala akong mapadala. Wala akong magawa.
Eto na siguro yung tinatawag nilang “rock bottom” ng buhay ko.
Awang awa ako sa sarili ko.
Nasa peligro ang mahal kong lola. At wala akong magawa.
Wala akong madukot. At may mga utang pa ako nung panahon na yun.
…
Nung gabi ng araw na yun, hindi ako nakatulog.
Punong puno ng emosyon ng galit, lungkot at sakit ang naramdaman ko nun.
Bandang alas kwatro ng madaling araw (4am)
Bumuhos ang mga luha ko. 😭
Ang bilis ng tibok ng puso ko.💓
Parang may bombang sasabog sa loob ko.
Bumangon ako, at lumabas ng bahay.
At di ko napigilan mapasigaw
“AYOKO NG MANGYARI ITO”
“AYOKO NG MANGYARI ITO”
“AYOOOKOOO NAAAA”
Tatlong beses. At tuluyan pang bumuhos ang mga luha ko.
…
Hindi ko makakalimutan ang araw at gabi na yun.
Dahil yun ang araw na na-discover ko ang “REASON WHY” ko.💡
Nag-karoon ako ng mas malalim na rason para maging successful.
Na hindi nalang pera ang rason ko kaya gusto kong magtagumpay sa buhay.
Kundi, dahil ayaw ko ng maulit ang sitwasyon na . .
Kailangan ko ng pera dahil nasa peligro ang mahal ko, pero wala akong magawa dahil wala akong pera na madukot.
Ginamit ko ang “REASON WHY” na nadiskubre ko para muling bumangon at mag-patuloy sa nasimulan ko.
Dahil sa “REASON WHY” ko:
❗.. Mas naging gigil at obsessed ako na mag-tagumpay
❗.. Mas ninamnam ko yung mga learnings at inaaral ko tungkol sa pagnenegosyo
❗.. Hindi na ako takot mag-fail at mag-kamali, dahil alam ko sa sarili ko na mas mataas ang pangarap ko, at mas malalim ang rason ko kesa sa mga failures na nararanasan ko
At higit sa lahat . .
Dahil sa “REASON WHY” ko, naabot ko ang pangarap ko.
Tumigil na ako sa pagiging OFW,
nakabili ng bahay para sa pamilya ko, 🏠
nasusuportahan ang lola ko, 👩👦
nabili yung pangarap kong sasakyan 🏎️
At nakakatulong na rin sa ibang tao. 🧑🏻🤝🧑🏻
Ganun pala ka-powerful pag nadiscover mo ang “REASON WHY” mo.
…
Eto yung 5 Simple Steps para maabot mo ang pangarap mo:
1️. Set a GOAL 💡
Maraming tao ang hindi nakakaabot ng pangarap nila
Dahil in the first place, hindi naman talaga nila alam anong gusto nilang makuha
Ilista mo lahat ng goals at pangarap mo sa buhay
Maging specific ka din dapat
Hindi sapat yung sabihin mo lang
“Gusto ko ng pera”
Paano kung bigyan ka ng piso. Pera pa din yun
Maging ultra specific ka sa gusto mong makuha
2. Set a REASON WHY for each GOAL ⁉️
Eto ang hindi ginagawa ng maraming tao
I’m a living testimony na powerful pag alam mo ang “REASON WHY” mo
Sa bawat goal na isusulat mo, samahan mo ng RASON
Ano yung dahilan bakit gusto mong makuha ang gusto mong makuha
Bakit gusto mong mag-karon ng isang milyon sa banko mo?
Bakit gusto mong makabili ng bahay para sa pamilya mo?
Mas malalim na rason, mas magiging epektibo ito
3. Create a PLAN ✍️
Ngayon, kailangan mong gumawa ng plano paano mo maaabot ang pangarap mo
Ano ang mga kailangan mong aralin para maabot mo ito?
Sino ang mga dapat mong makilala?
Ano yung mga dapat unang mong gawin para mangyari ito?
May kailangan kabang bilin? May kailangan kabang puntahan?
May mga dapat kabang i-sacrifice?
You need to create a plan
4. Execute your PLAN and ADJUST 💪🏻
Dito madalas tumitigil ang iba.
Alam mo yun? Yung puro plano pero hindi naman ginagawa
Kailangan mong aksyunan ang mga plano mo
You need to test the water
At sasabihin ko na sa’yo
Along the way, marami kang failures at pagkakamali na magagawa.
Pero okey lang yan. You need to learn and adjust.
Kapag gumagawa lang tayo ng aksyon, nadidiscover natin kung anong pagkakamali natin
At dun tayo natututo
At tuwing natututo tayo, mas nagiging better person
5. Be Unstoppable 💪🏻
Consistency is the key.
Hindi dapat tayo titigil hangga’t di natin naaabot ang mga pangarap natin
Kung hindi man mag-karesulta yung plano natin, edi mag-adjust ka
Create another plan, adjust, and test it!
Sabi nga “never adjust the goal, but just adjust the plan”
Alam mo ba kung anong pinag-kaiba ng mga successful sa hindi successful?
Yung mga hindi successful, nakaranas lang ng ilang failures ay sumuko na.
Pero yung mga successful, naging unstoppable sila.
…
Your “REASON WHY” will help you become UNSTOPPABLE
Salamat sa pag-babasa. 🙏🏻
I hope na-inspire ka to never give up on your dreams.
Na-inspire ka to HAVE MORE, DO MORE, AND BE MORE.
Wag kang susuko.
Yes madadapa tayo. Pero ang kailangan lang natin ay bumangon. 💪🏻
One Favor? 🙏🏻
Pwede bang i-share mo sa comment section, ano yung “REASON WHY” mo at bakit gusto mong maging successful?
Babasahin ko ang comment mo and I will give my best to reply.
Pwede mo din itong i-share sa mga friends mo para ma-inspire din sila.
Again thank you!🙏🏻
This is Rey Aldwin saying “Always believe in yourself, be UNSTOPPABLE”
P.S Like and share this Page. Let's spread the love. 💖