Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic

Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic Abot kaya at dekaledad na panganganak, dito lang yan sa Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic.

04/06/2024

Maraming salamat po at paalam 🥹

Sa lahat po ng mga nanay at tatay na nagtiwala at tumangkilik sa Mother’s Love sa loob ng walong taon,sa lahat po ng naging kasama namin kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo dahil sinamahan niyo po kami sa mahabang panahon,nakakalungkot man po pero kailangan na po naming mag paalam.

Maraming salamat po sa mga naging pasyente namin sa bayan ng Noveleta, Cavite City, Rosario, Kawit, General Trias, Imus, Naic, Tanza at Bacoor, parang kailan lang nang nag bukas ang munting Clinic namin sa Noveleta at tinangkilik at pinagkatiwalaan ng libo-libong pasyente. Buong buhay po namin kayong pasasalamatan, mahirap at masakit man po ay pinili na lang po naming mag migrate dito sa United Kingdom 🇬🇧 para po sa kinabukasan ng aming pamilya.

Sa ngayon po ay patuloy parin pong mag o operate ang clinic sa Noveleta under new name and management po, at patuloy parin po silang tatanggap ng pasyenteng buntis at manganganak, kaya sana po ay patuloy n’yo po silang suportahan.

Hanggang sa muli mga Mommies, sana po sa 8 years na aming pag seserbisyo ay nakapag iwan po kami ng masasayang alaala sa inyo at sa inyong pamilya. Bago po namin i close ang page na ito ay maaari po bang ibahagi n’yo po sa amin ang mga pictures at mga messages n’yo para po sa Mother’s Love 🤰

PS. Pinili po naming isara ang Mothers Love, dahil pareho na po kaming nandito sa UK at mahirap pong i monitor at i manage ang clinic ng nasa malayong lugar po kami.

Muli, maraming maraming salamat po.

Paalam mula sa Owner ng Mothers Love,

John Paolo and Jean Mercado




Good day mga mommies 🥰Heto po ang new schedule po ng ating consultation  at New management na po si mother's Love po..❤❤...
04/06/2024

Good day mga mommies 🥰
Heto po ang new schedule po ng ating consultation at
New management na po si mother's Love po..❤❤❤
JCB Dones Maternity Clinic na po ang new name po see you mga mommies💕

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic ♥️🗓HEARING TEST SCHEDULE AND BCG💉🗓Date: May 30, 2024📍Day: THURSDAYTime: 11:...
29/05/2024

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic ♥️

🗓HEARING TEST SCHEDULE AND BCG💉
🗓Date: May 30, 2024
📍Day: THURSDAY
Time: 11:30 AM- 1:00 PM
Walk-in for Hearing Test are welcome..
see you mga babies😍

SCHEDULE FOR TOMMOROW ( MAY 29, 2024) ♥️✅OBSTETRICIAN-GYNECOLOGIST👩🏼‍⚕️🤰🤱 📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic✨ ...
28/05/2024

SCHEDULE FOR TOMMOROW ( MAY 29, 2024) ♥️

✅OBSTETRICIAN-GYNECOLOGIST👩🏼‍⚕️🤰🤱

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic✨

📣 WEDNESDAY AFTERNOON
⏰ 2:00PM - 4:00PM

👩🏼‍⚕️Vanessa Lacoste-Sabulao MD,FPOGS

PWEDE WALK IN PATIENT MGA MOMMIES🥰
________________________________________

📍Mother's Love Maternity and Lying in Clinic✨

SEE YOU PO MGA MOMSHIEEE🤰🤱

📍LOCATION: San Rafael 3,Noveleta,Cavite near at 7/11 🏙

________________________________________

SCHEDULE FOR TODAY ( MAY 22,2024) ♥️✅OBSTETRICIAN-GYNECOLOGIST👩🏼‍⚕️🤰🤱 📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic✨ 📣 WE...
22/05/2024

SCHEDULE FOR TODAY ( MAY 22,2024) ♥️

✅OBSTETRICIAN-GYNECOLOGIST👩🏼‍⚕️🤰🤱

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic✨

📣 WEDNESDAY AFTERNOON
⏰ 2:00PM - 4:00PM

👩🏼‍⚕️Vanessa Lacoste-Sabulao MD,FPOGS

PWEDE WALK IN PATIENT MGA MOMMIES🥰
________________________________________

📍Mother's Love Maternity and Lying in Clinic✨

SEE YOU PO MGA MOMSHIEEE🤰🤱

📍LOCATION: San Rafael 3,Noveleta,Cavite near at 7/11 🏙

________________________________________

16/05/2024

Magandang araw po sa inyo,paalala po sa lahat ng my pending na birthcertificate na hindi pa po naaayos kung maari po ay magsadya sa clinic upang maayos po ito dahil sa mga susunod na buwan po ay wala na pong mag aayos nito,maraming salamat po

G6PD result sa Newborn Screening ni baby.
14/05/2024

G6PD result sa Newborn Screening ni baby.

May G6PD po ang anak ko!

G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening.

Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila.

Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal.

Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba!

Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging re****ed o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya.

"Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!"

"Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ".

Hindi rin napupunta sa re****ed. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bata na mukhang delayed ang pagtubo ay hindi po yun G6PD, iba po yun na sakit.

Ang G6PD po ay matagal ng nasa mundo. Kahit panahon pa ni Lapulapu at Magelan andito na po ito. Hindi po ito bagong sakit. Napapasa po ito sa lahi. Pero ngayong lang itong may test na naimbento kaya parang biglang dumami ang positive.

Ibig ko sabihin, malaking tsansa na kayong mga magulang at lolo at lola ay may G6PD. Marahil ako rin ay mayroon kaya lang di natin alam dahil wala tayong test noon.

Dati wala namang pinagbawal sa atin at sa mga kinanu-nunuan natin, eh wala naman mga narinig tayong nagka-anemic nalang bigla at G6PD ang diagnosis.

May narinig na ba kayo sa lahi niyo na kapag sumawsaw ng ulam sa toyo ay naadmit dahil nagiging anemic?

Iba po yung kailangan lang ng vitamins na Iron ha. Hindi po yun sila anemic dahil sa G6PD. Anemic lang yun na natural kaya binibigyan ng Iron.

To be honest wala pa po akong nasalinan ng dugo na dahil sa G6PD sa tagal ko na pagiging Doctor. Ibig ko sabihin medyo bihira talaga ang nagkakaroon ng simtomas na Pilipino. Likas na matibay ang lahing Pinoy, bigay yan ng Diyos sa atin.

Ngayon hindi ko rin sinasabi na baliwalain natin ang mga payo patungkol sa mga bawal ng G6PD. Ang ibig ko lang sabihin ay wag nating ibrand ang batang may G6PD na weak or masakitin. Kung baga po, hindi lang po tayo kumukuha ng explaination sa libro kundi po sa practical na obserbasyon sa buhay o sa history. Kung sasabihin nyong meron talagang naadmit na may G6PD sa lahi niyo dahil kumain ng beans o sumawsaw ng soy sauce at biglang na-anemic ay ibang usapan na yan. Pero kung wala naman, relax lang, kasing normal niyo yung anak niyo.

Ang pinakabawal ay yun paring binabawal ko sa lahat ng mga bata, kahit may G6PD man o wala.

1. Bawal ang magspray ng insecticide na may baby.

2. Bawal ang bumili ng antibiotic na walang pahintulot sa Doctor.

3. Bawal ang junk foods.

4. Bawal ang moth balls.

5. Sa gatas syempre breastfeeding is best. Avoid nalang sa soya milk. Cow's milk nalang if wala ng breastmilk.

6. About sa pagkain naman, avoid lang sa fava beans. Eat healthy lang din po. Bawal ang sobra. Paminsan minsang sawsaw sa soy sauce ok lang.

7. Bawal ma expose sa mga toxic na chemical.

Bottomline, para sa akin ang batang may G6PD ay normal na bata. Kung tumanda ang lahi niyo dati at walang nangyari kahit walang mga bawal, ano nalang si baby? Lalo't na't meron ng mga healthy advise.

Addition: hindi niyo rin po pwedeng sabihin na madali lang ubuhin o siponin ang anak niyo dahil may G6PD siya. Wala pong kuneksyon.

Note: ang payo po na nabasa niyo ay ang aking personal at practical na payo. Kung gusto niyo pa pong maiintindihan ng malalim ang G6PD may link po akong nilagay sa comment area.

Dr. Richard Mata
Pediatrician

13/05/2024

Ito po ang dahilan bakit mahigpit po kami sa bantay ng bagong panganak sa Ward lalu na sa mga asawa, partner na nagninigarilyo. Hindi po dahil maselan kami(midwife )kundi kaligtasan po ni baby ang priority natin.

Reminder ito sa mga Nanay, sinasabi namin po pagkalabas pa lang ng baby na nakatae na sa loob ng tiyan (meconium stained...
13/05/2024

Reminder ito sa mga Nanay, sinasabi namin po pagkalabas pa lang ng baby na nakatae na sa loob ng tiyan (meconium stained) (overdue o hindi) na need ipa check up si baby sa Pedia. Wag na natin hintayin na maging tamlayin/ayaw magdede o magkasinat/lagnat bago natin ipa-check up.
*Follow Dr. Richard and Erika Mata for more Pedia facts.

Paano yung newborn palang pneumonia na kaagad

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic ♥️🗓HEARING TEST SCHEDULE AND BCG💉🗓Date: May 02, 2024📍Day: THURSDAYTime: 11:...
02/05/2024

📍Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic ♥️

🗓HEARING TEST SCHEDULE AND BCG💉
🗓Date: May 02, 2024
📍Day: THURSDAY
Time: 11:30 AM- 1:00 PM
Walk-in for Hearing Test are welcome..
see you mga babies😍

Thank you Lord!!!🙏💞💕 MARCH 💕💞🫅Baby Boy- BRYANT🫅📍 ⚖ 3300 grams🌥 03: 24 AM 🌥 📸  With Parents Permission 📸                💞...
25/04/2024

Thank you Lord!!!🙏
💞💕 MARCH 💕💞
🫅Baby Boy- BRYANT🫅
📍 ⚖ 3300 grams
🌥 03: 24 AM 🌥
📸 With Parents Permission 📸

💞 👨‍👩‍👧 💞

Address

Noveleta

Telephone

+639946642802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Mother's Love Maternity and Lying-in Clinic:

Share