14/04/2026
Sa darating na May 9, Saturday, 8AM to 12NN, inaanyayahan namin ang lahat ng Pilipinong may Lupus, ang inyong mga pamilya at kaibigan, at lahat ng Pilipinong nais makilahok, sa Kaunaunahang Filipino Lupus Patients' Summit.
Ito ay gaganapin online, via Zoom, at mapapanood din ito ng live sa LUISA - Lupus Inspired Advocacy.
Kabilang sa mga speaker ay mga kilalang Rheumatologists at ibang espesyalista na dalubhasa sa pag-aalaga ng Lupus. Ito rin ay inorganisa upang malaman kung ano-ano ang ginagawa ng ating mga doktor, ng pamahalaan at ng mga nagsusulong para sa kapakanan ng kalusugan ng mga Pilipinong may Lupus.
Para magregister, pumunta lamang sa bit.ly/FilipinoLupusPatientSummit o i-scan ang QR code na nasa poster.
Kung kayo ay may katanungan, mag-email lamang sa lupuspatientsummit@gmail.com o magmessage sa page.
Ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga katuwang upang maganap ang Summit:
- AstraZeneca Philippines, Inc (silver sponsor)
- Medinfinity Inc (in-kind sponsor)
- IPCA Philippines (in-kind sponsor)
Ang 1st Filipino Lupus Patients Summit ay nabuo sa pagsasasama-sama ng mga sumusunod na grupo:
- Lupus Inspired Advocacy of Rheumatology Educational Trust Foundation, Inc.
- Kidney Alliance Philippines Inc.
- Live, Love and Hope Lupus Support Group
- Mariposa Lupus Support Group
- Hope for Lupus Foundation