15/10/2025
HEALTH BENEFITS AND MEDICINAL PROPERTIES OF ARATILES
Ang Kerson Fruit ay kilala dito sa Pilipinas bilang Aratiles. Sa America, tinatawag itong Strawberry Tree. Ang kaniyang bunga ay naglalaman ng tart na hawig sa Cherry Fruit.
Ang Aratiles ay tumutubo lamang kung saan-saan dahil na rin sa mga ibon na kumakain sa kanila at napupunta kung saan-saan ang mga buto at muling tumutubo. Marami ding Aratilies sa mga bansang Mexico, India, China, Japan, Dominican Republic at sa marami pang bansa sa South America at Asia.
Bukod sa sariwang pagkain ng mga bunga ng Aratiles ay available na rin sa maraming bansa ang Kerson Fruit Jam or Jeliies.
Bukod dito, ang Aratiles ay mayroong napakaraming medicinal uses sa iba-ibang karamdaman. Maraming mabibiling liquid form ng Aratiles online bilang lunas sa maraming uri ng sakit. Ang pagkain ng mga bunga nito ay nagpapababa ng blood sugar sa mga diabetic, at maari ding pakuluan ang mga dahon nito upang gawing tsaa. Ang tsaa ay maari ding ipahid o ibuhos sa mga sugat bilang antiseptic at napatunayan na nakakapawi din ng sakit sa tiyan at iba pang pangangalam ng sikmura.
Ang Aratiles ay mayaman sa protein, fiber, calcium, phosphorus, iron and B Vitamin. Kaya naman, nakakatulong ang mga ito para sa mas malakas na mga muscles, nakakatulong sa mga anemic at nagbibigay din ng relaxation sa katawan. Ang prutas at dahon ay napakayaman sa antioxidant dahil sa taglay nitong flavonoid at phenolic compounds na katulad ng nasa green tea. Ang pinakuluang dahon ng Aratiles ay may kakayahang makapawi ng sakit sa ulo. Sa mga matataas ang blood pressure ay nakakatulong ang tsaa nito na bumaba dahil sa nitric oxide na nakakapagrelax sa ating mga ugat. Nakakatulong din ito para makaiwas sa mga sakit na may kaugnayan sa puso.
Ang Aratiles ay kinakitaan din ng ilang katangian na maaaring maging lunas sa sakit na cancer, patuloy ang pag-aaral tungkol dito.