Panghulo Health Center - Obando, Bulacan

Panghulo Health Center - Obando, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Panghulo Health Center - Obando, Bulacan, Medical and health, Flamengco Street, Obando.

14/08/2025
14/08/2025
07/08/2025

Higit 9 milyong kababaihan na ang gumagamit ng family planning methods ayon sa datos ng DOH.

βœ… Gaya nila, may karapatan ka ring pumili ng pinakamainam na family planning method na swak sa’yo!

πŸ”Ž Basahin ang larawan para sa karagdagang impormasyon.




06/08/2025

Magandang balita mga kabarangay!

Magkakaroon ng LIBRENG Cervical Cancer at Breast Cancer Screening sa ating Health Center para sa mga kababaihan edad 30 hanggang 65 taong gulang. Ang programa pong ito ay initiatibo ng Municipal Health Office - Obando RHU at Panghulo Health Center - Obando, Bulacan na layunin na maagang masuri ang mga kababaihan laban sa 2 pangunahing uri ng canser na sanhi ng kanilang pagkamatay, ang Cervical Cancer at Breast Cancer.

Para sa Cervical Cancer Screening, magsasagawa ng LIBRENG Visual Inspection via Acetic Acid kung saan sinusuri kung may pagbabago sa kwelyo ng matres na dulot ng Human Papilloma Virus or HPV.

Ang mga sasailalim sa pagsusuring ito ay kinakailangang:
πŸ“Œ kababaihan, edad 30 - 65 taong gulang
πŸ“Œ walang regla o anumang pagdurugo sa pwerta
πŸ“Œ walang sexual contact 24 oras bago ang pagsusuri
πŸ“Œ hindi buntis o nagdadalang tao

Para sa mga interesadong magpasuri, maaring magpunta sa ating Health Center tuwing Huwebes, 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

πŸ“’ 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€π‘π€ππ†π€π˜!Ikaw ba ay nalusong sa baha ngayong bagyong  ?Protektahan ang iyong sarili sa sakit na π‹π„ππ“πŽπ’ππˆ...
22/07/2025

πŸ“’ 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€π‘π€ππ†π€π˜!

Ikaw ba ay nalusong sa baha ngayong bagyong ?

Protektahan ang iyong sarili sa sakit na π‹π„ππ“πŽπ’ππˆπ‘πŽπ’πˆπ’ na maaaring makuha sa paglusong sa baha.

Maaaring makakuha ng π‹πˆππ‘π„ππ† prophylaxis laban sa π‹π„ππ“πŽπ’ππˆπ‘πŽπ’πˆπ’ sa ating health center.

Narito po ang gabay sa TAMANG paginom ng DOXYCYCLINE.

🟑 π‹πŽπ– π‘πˆπ’πŠ
-Lumusong sa baha, walang sugat:
πŸ’Šπƒπ¨π±π²πœπ²πœπ₯𝐒𝐧𝐞 𝟏𝟎𝟎𝐦𝐠, 2 capsules 𝐬𝐒𝐧𝐠π₯𝐞 𝐝𝐨𝐬𝐞 sa loob ng 24-72 oras mula nang lumusong sa baha

πŸŸ πŒπŽπƒπ„π‘π€π“π„ π‘πˆπ’πŠ
-Lumusong sa baha, may sugat:
πŸ’Šπƒπ¨π±π²πœπ²πœπ₯𝐒𝐧𝐞 𝟏𝟎𝟎𝐦𝐠, 2 capsules 𝐀𝐚𝐝𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 sa loob ng 3-5 araw, 24-72 oras mula nang lumusong sa baha

πŸ”΄π‡πˆπ†π‡ π‘πˆπ’πŠ
-Palaging lumulusong sa baha, may sugat o wala
πŸ’Šπƒπ¨π±π²πœπ²πœπ₯𝐒𝐧𝐞 𝟏𝟎𝟎𝐦𝐠, 2 capsules 𝐀𝐚𝐝𝐚 π₯𝐒𝐧𝐠𝐠𝐨 hanggang sa hindi na lumulusong sa baha

βš οΈβš οΈππ€π€π‹π€π‹π€βš οΈβš οΈ
Ang πƒπ¨π±π²πœπ²πœπ₯𝐒𝐧𝐞 ay ❌️HINDI MAARING ibigay sa mga sumusunod:
1. mga BUNTIS o NAGDADALANG-TAO
2. mga ina na NAGPAPASUSO
3. mga bata edad 15 pababa

Para sa alternatibong gamot na maaring inumin, iminumungkahi na magpunta sa Health Center o sa Municipal Health Office - Obando RHU upang mabigyan ng tamang gabay mula sa ating mga midwife, nurses at doktor.

Mag-ingat po tayong lahat ngayong panahon ng tag-ulan at baha.

14/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

πŸ–πŸ‘£ Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
πŸ“Œ lagnat
πŸ“Œ singaw sa bibig
πŸ“Œ sakit sa lalamunan
πŸ“Œ mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

βœ…Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
βœ…Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
βœ…Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




πŸ“’πŸ“’πŸ“’
12/06/2025

πŸ“’πŸ“’πŸ“’

PABATIDπŸ“£πŸ“£πŸ“£

Sa darating na Martes, June 17, 2025 ang Obando Rural Health Unit ay magsasagawa ng LIBRENG CHEST XRAY 🩻 para sa mga sumusunod:

πŸ“Œ TB household and Close Contacts
πŸ“Œ 4Ps members and Household members
πŸ“Œ Diabetic Patients
πŸ“Œ Smokers
πŸ“Œ With TB Signs and Symptoms (2 weeks cough, afternoon fever, loss of appetite, sudden weight loss)
πŸ“Œ Person with co-morbidities
πŸ“Œ Senior Citizen
πŸ“Œ Frontliner
πŸ“Œ TODA Drivers

Maaaring magpunta sa Obando RHU - likod ng New Municipal Bldg. mula 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Ito po ay first come, first serve basis para sa unang 250 katao edad 15 na taon gulang pataas.

Halina't makibahagi. TB ay kayang tuldukan, sa tama at kumpletong gamutan.

PABATIDπŸ“£πŸ“£πŸ“£Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa programang PUROKALUSUGAN, na gaganapin bukas June 3, 2025 mula 8am ...
02/06/2025

PABATIDπŸ“£πŸ“£πŸ“£

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa programang PUROKALUSUGAN, na gaganapin bukas June 3, 2025 mula 8am hanggang 12nn sa ating Health Center.

Layunin po ng programang ito na lalo pang paigtingin ang mga programang pangkalusugan sa ating barangay kabilang ang mga sumusunod:
1. National Immunization Program;
2. National Tuberculosis Program;
3. Nutrition Program;
4. Maternal Health Program;
5. Water Supply, Sanitation and Hygiene;
6. Road Safety;
7. Prevention and Management of Hypertension and Diabetes;
8. Prevention of Cancer.

Bilang bahagi ng programang ito, magkakaroon ng mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan

βœ…οΈLibreng konsulta para sa mga may karamdaman βœ…οΈLibreng gamot para sa lahat mga magpapakonsulta
βœ…οΈNCD Risk Assessment para sa mga edad 20 years old and above
βœ…οΈLibreng Blood Sugar Monitoring
βœ…οΈPhilHealth Profiling and Registration.

Halina't makiisa sa mga programang pangkalusugan na hatid ng Municipal Health Office - Obando RHU katuwang ang Sangguniang Barangay ng Panghulo sa pangunguna ng butihing ina ng barangay KAP. BUBUT S. SAYAO at ng chairman ng committee on health Kagawad Joshua Ilagan Juat.

Magkita kita po tayo bukas at sama samang isulong ang PuroKalusugan sa ating barangay dahil sa Healthy Pilipinas, Bawat buhay ay mahalaga.

Address

Flamengco Street
Obando
3021

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63829441700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Panghulo Health Center - Obando, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram