15/07/2025
🛑 NAKARANAS KA NA BA NG PAGLABAG SA IYONG PRIVACY? 🛑
📜 Ayon sa RA No.11166 Philippine HIV and AIDS Policy Act, may karapatan ka sa kompidensiyalidad at privacy ng iyong HIV status.
❓ May nagkuwento ba ng status mo sa iba nang wala kang pahintulot?
❓ Naranasan mo bang malaman ng ibang tao ang resulta mo kahit hindi mo sila binigyan ng permiso?
❓ May health worker, employer, g**o, o kamag-anak bang naglabas ng sensitibong impormasyon tungkol sa’yo?
👉 LABAG ITO SA BATAS.
Ang iyong HIV status ay pribado at hindi dapat ikalat kahit kanino nang walang malinaw mong pahintulot.
🤝 Kung kailangan mo ng tulong, legal na gabay, o referral . 📩 Makipag-ugnayan sa Pinoy Plus PLHIV Response Center. Lalo na pagdating sa iba pang mga PRC Services Psychosocial Support, HIV at STI Concern, Process and Requirements ( SSS, PhilHealthOHAT, PWD ID, at iba pa.) 🫰