
19/09/2025
Ang pag-iipon sa bangko ay tunay na mahalaga para sa ating kinabukasan. Ngunit kapag dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng pagkakasakit o aksidente, madalas ang ipon natin ang unang nauubos.
Mas matalinong hakbang kung bukod sa pag-iipon, may insurance ka ring sandigan. Sa ganitong paraan, hindi lang protektado ang iyong pinaghirapan—may kasiguraduhan ka ring may maaasahan sa oras ng pangangailangan.
Dahil ang totoong ipon ay hindi lang para sa kinabukasan, kundi para rin sa mga panahong hindi natin inaasahan.