East Bajac-Bajac Health Center

East Bajac-Bajac Health Center Health Services

12/09/2025

DUGOYANIHAN SA OLONGAPO:

Barangay Mobile Blood Donation: "Magligtas ng Buhay, Dugo'y Ialay!"

Inaanyayahan po namin ang lahat, sa pamumuno ng ating butihing mga Barangay Captains, Kagawad, Purok Leaders at Barangay Staff, na dumalo at mag-donate ng Dugo!

Ang Lokal na pamahalaan ng Olongapo, Mayor Atty. Rolen Paulino Jr., Olongapo City Health, kasama ng James L. Gordon Memorial Hospital Blood Bank at Philippine Red Cross - Olongapo Chapter ay iikot sa mga barangay upang magsagawa ng Mobile Blood Donation ngayong buwan hanggang katapusan ng October.

Abangan ang mga schedule sa inyong mga barangay upang makasali.

πŸ“£πŸ“£πŸ“£
23/08/2025

πŸ“£πŸ“£πŸ“£

Certified Level 1 Adolescent-Friendly Health FacilityWe are proud to be recognized as a safe and welcoming place for tee...
07/08/2025

Certified Level 1 Adolescent-Friendly Health Facility

We are proud to be recognized as a safe and welcoming place for teens. As an Adolescent-Friendly Health Facility (AFHF), we are committed to providing services that meet the unique needs of young people in a respectful, private, and supportive way.

Teens can come to us for help with mental health, nutrition, substance use, sexual and reproductive health, and more β€” without fear of judgment or discrimination. Our goal is to make sure every adolescent feels heard, respected, and cared for.

Together, we build a healthier, safer future for our youth. πŸŒ±πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘§

🀱🀍
02/08/2025

🀱🀍

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga Breastfeeding Nanays, pati ang buong pamilya, para sa ating sabayang "Hakab Na Olongapo! 2025" na gaganapin on August 8, 2025, 8AM - 2PM sa SMX Convention Center, SM Central.

Kindly pre-register sa inyong mga health centers para sa food stub and freebies. Walk-in are also allowed.

Free blood typing, HIV testing, Calcium Bone Scan and Lactation Counseling, lots of booths and activities to enjoy!

Sama-sama po natin suportahan ang malawakang pagpapasuso para sa Healthy Pilipinas!

21/07/2025
21/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. πŸ“ž




AIDS CANDLELIGHT MEMORIAL 2025 πŸŽ—πŸ•―
20/05/2025

AIDS CANDLELIGHT MEMORIAL 2025 πŸŽ—πŸ•―

14/05/2025
πŸ“£πŸ“£πŸ“£
09/05/2025

πŸ“£πŸ“£πŸ“£

πŸ“’Anunsyo mula sa ating Punong Barangay E Sims Manalang: LIBRENG MOBILE X-RAY EVENT PARA SA LAHAT! πŸ“’

πŸ“… Petsa: Miyerkules, Mayo 14, 2025
⏰ Oras: 1:00 PM onwards
πŸ“ Lugar: Ibarra Covered Court, East Bajac-Bajac

Hinihikayat namin ang lahat ng kabarangay na samantalahin ang Libreng Mobile X-Ray Event na hatid ng East Bajac-Bajac Barangay Health Office! Ito ay bahagi ng ating layunin na masiguro ang kalusugan ng bawat isa sa ating komunidad.

Ano ang Maaaring Ipa-X-Ray?
βœ”οΈ Dibdib (Chest X-Ray)
βœ”οΈ Likod at Baga (kung kinakailangan)
βœ”οΈ Iba pang bahagi ayon sa rekomendasyon ng health professionals

Para Kanino ang Serbisyong Ito?
πŸ”Ή Mga residente ng East Bajac-Bajac, 18 taong gulang pataas
πŸ”Ή Mga nais magpa-screening para sa TB o iba pang respiratory conditions
πŸ”Ή Mga may hinihinalang problema sa baga o kalusugan

Mga Paalala:
πŸ”Έ First come, first served. Agahan ang pagpunta upang makasigurong ma-accommodate.
πŸ”Έ Magdala ng valid ID bilang patunay ng inyong residency.
πŸ”Έ Sumunod sa health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Bakit Mahalaga ang X-Ray?
Ang X-Ray ay isang mahalagang paraan upang ma-detect ang mga maagang palatandaan ng sakit tulad ng tuberculosis, pneumonia, at iba pang kondisyon sa baga. Panatilihin ang inyong kalusugan sa pamamagitan ng regular na pagsusuri!

Huwag palampasin ang oportunidad na ito! Magkita-kita tayo sa Ibarra Covered Court sa Mayo 14, 1 PM onwards.

19/08/2024

Address

27th Street
Olongapo
2200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when East Bajac-Bajac Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to East Bajac-Bajac Health Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram