13/02/2026
Tuloy-tuloy ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa tulong ni Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. at ng City Health Office para sa mas malusog na Olongapo!
Citywide House-to-House para sa deworming, vaccination, Vitamin A supplementation, Operation Timbang Plus, family planning, at PhilHealth YAKAP empanelment sa iba’t ibang barangay ngayong Pebrero at Marso.
Abangan ang schedule sa inyong lugar at makiisa para sa kalusugan ng bawat pamilyang Olongapeño. Sama-sama nating isulong ang isang ligtas at malusog na komunidad!