Sta.Rita Health Center Olongapo

Sta.Rita  Health Center Olongapo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sta.Rita Health Center Olongapo, Medical and health, Horseshoe Drive st. Sta. Rita , Olongapo City, Bahac-bahac.

01/08/2025
31/07/2025

⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❤️ Atake sa puso at stroke
👁️ Pagkabulag o problema sa paningin
🦶 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.




29/07/2025

Announcement..

Meron napo ulet bakuna ng mga babies bukas(Wednesday July 30,2025) at para sa mga Hindi po nabakunahan last week ,pwede narin po kyo pumunta.. 8am to 12nn

Maraming Salamat po ☺️

28/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





28/07/2025

🚭 BAWAL ANG YOSI AT V**E SA MGA EVACUATION CENTER 🚭

Ayon sa datos ng DSWD, nananatiling 54,809 na pamilya o 198,052 na indibidwal ang kasalukuyang nasa loob ng 1,689 evacuation centers sa bansa matapos ang sunod sunod na ulan nitong mga nakaraang araw.

Dahil dito, ipinaalala ng Department of Health na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sigarilyo at v**e sa mga pampublikong lugar—kabilang ang paaralan at evacuation centers, ayon sa Republic Act 9211 at Executive Order No. 106.

Ang sigarilyo at v**e ay:

🚭 masama lalo na para sa may hika, ubo, o iba pang sakit
🚭 delikado para sa mga buntis, sanggol, at bata
🚭 pwedeng pagmulan ng sunog

📞 Para naman sa tulong sa pagquit, tumawag sa DOH Quitline 1558.

Igalang ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.








23/07/2025

Announcement:

Open po Ang ating health center bukas( 7/24/2025 Thursday) 8:00 Am- 8:00pm para sa mga nangangailangan ng doxycycline panlaban sa leptospirosis.

Marami pong Salamat ☺️
Ingat po tayong lahat...🙏🙏

July 22,2025
22/07/2025

July 22,2025

20/03/2025

Sa lahat Po ng mga nka schedule ng bakuna ng baby bukas( march 21,2025 Friday) sa darating na Wednesday, march 25 npo Ang inyong schedule. Sa kadahilanang Ang mga staff ay nasa ibang programa ng pang kalusugan..
Maraming salamat po sa pang unawa ☺️

29/01/2025

Good morning po ☺️

Wala po tayong MEDICAL CONSULTATION at Immunization sa ating health center sa darating na Friday January 31,2025( bukas).sa kadahilanang May seminar po ang lahat ng Staffs( Doctor, Nurses, Midwives at Bhws). Maraming Salamat po

Address

Horseshoe Drive St. Sta. Rita , Olongapo City
Bahac-Bahac
2200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta.Rita Health Center Olongapo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share