
04/08/2025
ALAM NIYO BA?
Gatas ng ina ang pinaka masustansyang gatas para kay baby. Ito ay nagbibigay ng angkop na nutrisyong kinakailangan ng isang sanggol para sa kanyang growth and development. Ito rin ay nagbibigay ng antibodies na magsisilbing proteksyon para kay baby upang maiwasan ang mga karaniwang sakit gaya ng pagtatae, pulmonya at lagnat.
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang National Breastfeeding Awareness Month. Kaya't nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office sa mga nanay ang tamang pagbibigay nutrisyon sa inyong sanggol:
- Simulan ang eksklusibong pagpapasuso sa unang 6 na buwan ni baby
- Pagdating ng kanyang ika-6 na buwan ay ipagpatuloy pa rin ang pagpapasuso, ngunit kinakailangan na ring magdagdag ng masustansyang pagkain (Complementary feeding)
- Para sa sapat na produksyon ng breastmilk, tiyaking nakakakain kayo ng masustansyang pagkain, may sapat na pahinga, at nasusuportahan ang inyong emotional needs.
"Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support System." Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.