10/10/2025
๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐จ๐ก๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ข๐ง ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐ ๐ข ๐ฃ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐
Public Advisory No. 2025-039 | October 10, 2025
Matapos ang naitalang Magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig na lugar kabilang na ang Eastern Visayas, ang Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ay maariing pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto at ligtas laban sa alinmang panganib dulot ng lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), maaari o inaasahan parin ang pagkakaroon ng aftershocks o mga pagyanig. Ito ay ang kasunod na paglindol na mas mahina, nangyayari ito dahil patuloy pang gumagalaw ang lupa o bitak (fault) pagkatapos ng malakas na lindol.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging maalam at handa upang masiguro ang kaligtasan ng sarili at pamilya.
Sa oras ng alinmang sakuna, narito ang mga dapat tandaan;
1. Ihanda ang Go Bag. Tiyakin na ang inyong Go Bag ay may pagkain, hygiene kit, ekstrang damit, first aid, cellphone at charger, pera, at ID. Siguruhing ang first aid kit ay naglalaman ng mga sumusunod: Alcohol, Band aid, Povidone-Iodine, Ointment para sa sugat, Paracetamol, at mga gamot.
2. Suriin ang bahay para sa anumang sira at bitak. Tignan kung may tagas ang gas tank at isara agad ang main switch.
3. Umiwas sa mga gusaling may bitak, nakalaylay na kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan.
4. Matapos ang malakas na lindol, posible ang pagkakaroon ng tsunami o matataas na alon mula sa dagat o baybayin. Para sa inyong kaligtasan, alamin ang pinakamalapit na evacuation center o agad na lumikas sa mas mataas na lugar kung kinakailangan.
Sa huli, palaging umantabay, maging mapanuri, at sundin ang mga abiso mula sa PHIVOLCS, Municipal/City/Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (M/C/PDRRMC), at DOH-EVCHD upang masiguro ang kaligtasan ng inyong pamilya.
๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐จ๐ก๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ข๐ง ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐ ๐ข ๐ฃ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐
Public Advisory No. 2025-039 | October 10, 2025
Matapos ang naitalang Magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig na lugar kabilang na ang Eastern Visayas, ang Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ay mariing pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto at ligtas laban sa alinmang panganib dulot ng lindol.