14/02/2026
Working mom ka ba? May good news kami para saโyo ๐
Alam mo ba na may batas na sumusuporta saโyo para maipagpatuloy ang breastfeeding kahit may trabaho?
Sa ilalim ng ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐จ. ๐๐๐๐๐ (๐๐ฑ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ฌ๐ญ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ), may karapatan ang mga working mom sa lactation breaksโhindi bababa sa 40 minutes bawat 8-hour shift, at bayad ito (hindi kaltas sa sahod).
Ibig sabihin, may sapat kang oras para makapag-express sa isang araw para sa kalusugan mo at ng baby mo.
Dahil kapag may tamang oras at pasilidad, mas nagiging posible ang tuloy-tuloy na breastfeeding.
Ang ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐จ. ๐๐๐๐๐ (๐๐ฑ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ฌ๐ญ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐) ay para sa mga working mom na gustong ituloy ang pagpapasuso kahit bumalik na sa opisina.
Narito ang maikling detalye na kailangan mo:
๐๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐๐ค๐ฌ
Ayon sa batas, ang mga working mom ay may karapatan na:
ใฐ๏ธ Hindi bababa sa 40 minutes na lactation break para sa bawat 8-hour working period.
ใฐ๏ธ Ang oras na ito ay pwedeng hatiin (halimbawa: dalawang 20-minute breaks) depende sa usapan niyo ng employer.
ใฐ๏ธ Importanteng malaman na ang oras na ginamit sa lactation break ay paid work time. Ibig sabihin, bawal itong ibawas sa iyong sweldo.
๐๐ง๐ ๐๐๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Lahat ng opisina o gusali ay dapat magkaroon ng sariling Lactation Station. Hindi ito pwedeng ilagay sa loob ng banyo. Ayon sa Department of Health (DOH), dapat itong sumunod sa mga sumusunod na standards:
ใฐ๏ธ Sanitary at Accessible: Malinis at madaling puntahan ng mga empleyado.
ใฐ๏ธ Kumpletong Gamit: Dapat mayroong komportableng upuan, mesa, at lababo (lavatory) para sa paghuhugas ng kamay at mga gamit.
ใฐ๏ธ Privacy: May kurtina o pinto na pwedeng i-lock para siguradong private ang pag-pump.
ใฐ๏ธ Storage: Kung maaari, dapat may refrigerator para sa safe na pagtatago ng breastmilk.
ใฐ๏ธ Electrical Outlet: Para sa mga gumagamit ng electric breast pumps.