
13/05/2023
PWD ID FOR VISUAL IMPAIRMENT
At dahil marami ang hindi nagbabasa ng buong article (o hindi iniintindi/naiintindihan) at puro headline lang ang binabasa
eto para malinaw sa lahat:
HINDI PORKE MALABO ANG MATA O MATAAS ANG GRADO AY MABIBIGYAN NA NG PWD ID FOR VISUAL IMPAIRMENT
"this means people who has the 20/70 and 20/200 visual acuity with the best corrected vision and even with eyeglasses or contact lenses on are considered with Low Vision and Legally Blind respectively. Thus, they are considered as Persons with Visual Disability and qualify for a Persons with Disability ID Card."
FAQ
Mataas ang grado ko, maaari na ba ako mag apply ng PWD ID?
Sagot: Oo at hindi.
unahin natin ang hindi, mataas nga grado ng salamin mo pero nakikita mo naman ang 20/20 (pinaka maliit na linya ng mga letra) hanggang 20/60 line sa eye testing chart, hindi ka qualified.
Oo, kung mataas ang grado mo at hanggang 20/70 line ka lang sa eye testing chart, maaari ka na mag apply, pero may ibang qualifications pa iyan, dapat ay sumailalim ka na sa operasyon at/o nagsasalamin na or contact lenses at di pa rin maganda ang paningin (hanggang 20/70 lang dapat) maaari ka na mag apply. Dapat din ay pasok ka sa definition ng LOW VISION or LEGALLY BLIND - kumonsulta ka sa doctor mo para malaman mo.
ADDITIONAL NOTE:
Dapat ang BEST EYE ay 20/70 or POORER.
Example:
Ang right eye mo ay 20/70
Ang left eye mo ay 20/20
❌ Hindi ka pwede
----‐---------
Ang right eye mo ay 20/200
Ang left eye mo ay 20/100
✅ may isang qualification ka na
--------------
Ang right eye mo ay 20/40
Ang left eye mo ay 20/40
Pero mataas ang grado
❌ Hindi rin pwede
--------------
Dagdag pa natin ang contricted visual field na less than 20 degrees para ma-qualify ka. There are also levels of visual impairment based on visual field loss (loss of peripheral vision).
Uulitin ko, may iba pang guidelines na sinusundan para ma qualify ka.
Eto may illustration pa, dapat ang nakikita mo lamang ay yung nasa RED BOX (WITH BEST CORRECTION TO HA, meaning naka SALAMIN or CONTACT LENSES or NAOPERAHAN na) , kung nababasa mo ay yung mas maliit pa kesa doon hindi ka qualified.
Wag na makulit. Mag basa po, intindihin, kumonsulta sa doctor
+PAX
here is the link to the article:
https://www.thesummitexpress.com/2019/01/ncda-poor-eyesight-low-vision-qualifications-for-pwd-id-benefits.html?fbclid=IwAR0ZmL-KjJBe5Yfu_ulElWCO-d9JSOqEDu30bOLZRd_9HLjJ2JLhzrECX1U
News:
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/681615/poor-vision-does-not-automatically-qualify-someone-for-pwd-id-official/story/